Lumipas pa ang ilang minuto at dinala na rin sa wakas ang inorder kong chicksilog. "Chicksilog para sa naglilihi," Pang-aasar ni Pat sa akin. "Love ooh!" "Wag mo ngang awayin 'yung baby ko!" Pananangol ni William sa akin. "Oo na!" natatawang sambit ni Pat sa amin. "Ooh siya! Kumain na kayo at ng makaalis na kayo," "Oo nga pala love," sambit ni William. "Bagal kasi magluto ni Pat!" "Sumbong kita kay kumander!" natatawang tugon niya. "May pa freetaste na cupcake si kumander sana magustuhan niyo," "Thank you kamo sa pa cupcake! Sige na balik na sa kusina at madami pa kayong gagawin," "Oo sige! Enjoy!" "Thank you!" masayang tugon ko sa kanya. Umalis na si Pat sa harapan namin at bumalik na siya sa kusina saka naman kami kumain na dalawa ni William. "Ibang klase talaga 'tong si Mary

