Chapter 14: New School

2121 Words
Aikah's p.o.v "Class, may bago kayong kaklase." Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Teacher Sanya. Nakatingin siya sa may pintuan kaya napagawi na rin ang aking paningin sa pintuan gano'n na rin ang ibang mga estudyante. My heart skipped a beat dahil nakita ko si Ate Airah na pumasok. Diritso ang tingin at straight ang katawan habang nakahawak ang isang kamay sa isang sling ng kanyang bag. Saka siya humarap sa amin na walang kang mababakas na emosyon sa mukha. Hindi ko inaasahan na magiging kaklase ko din siya at sa section A din siya mapupunta. "I'm Airah. Please to meet you." Sabi niya at ngumiti ng tipid. "Pare. Nahulog na ang bata kong puso. Saluin mo baka mabasag." Sambit ng kaklase naming lalake at humawak pa sa dibdib. "Ang ganda niya saka ang cute." Sambit naman ng katabi kong babae. "Sexy pa." Gatong din ng isa pa. Makikita mo sa mga ng ilan ang kumikislap na mga mata dahil sa tuwa, may nakaawang pa ang mga bibig at meron ding mga nakatulala. Ngunit may iilan din na nakasimangot at masama ang mga tingin sa kanya. "May boyfriend ka na ba?" Tanong pa ng isa naming kaklase na umani ng tukso sa iba. "Maybe in the future?" Patanong na sagot ni Ate Airah na sinabayan ng kibit-balikat. Sumipol naman ang ibang mga boys dahil sa narinig. "You can take your seat beside Tryzt Bricks." Naglakad naman si Ate Airah patungo sa upuan ni Tryzt. May paang nakaharang sa daan kasunof nito ang hiyaw ng kaklase naming babae. "Kapag may nakikita kayong dumadaan pakitabi naman ng mga paa. Baka kung di kayo nakakatisod naapakan pa ang paa niyo tulad ngayon." She said with a mocking tone na lalong ikinaasim ng mukha ni Dianne. Uupo na sana si Ate Airah ngunit inusod ni Tryzt ang upuan niya. Kasunod ng ungol ni Tryzt dahil nakaapak pala si Ate Airah sa sapatos nito. Hinila ang upuan at umupo na. Ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa front ngunit naririnig ko parin ang bulong ni Tryzt dahil katabi ko siya. "Bakit mo ba inapakan ang paa ko ha?" Bulong nito. Hindi ko alam kung ano pang mangyari pero tumahimik bigla si Tryzt. Tinawag ako ng guro upang sagutin ang tanong sa blackboard kaya naman tumayo ako at isinulat ang sagot saka bumalik na sa aking upuan. Paupo na sana ako ngunit may umusod sa upuan ko na ikinabagsak ng aking katawan sa sahig. "Hahahaha!" Tawanan ng mga kaklase namin na ikinayuko ko ma lamang. Napasulyap ako kay Ate Airah. Hindi man lang ako nililingon ni tapunan man lang ng tingin. After ng klase lumabas na ako. Hindi ko maiwasang hanapin si Ate Airah. Pansin kong hindi parin lumalabas si Ate Airah kaya napalingon ako sa loob. Nakita ko siyang nakasandal sa gilid ng pintuan. Nakaheadphone at nakapatong ang isang paa sa kabilang gilid ng pinto halatang may hinaharang. Saka ko napansin si Tryzt na nasa loob parin at dadaan na sana. Mayaman ang mga Lionheart ngunit mas mayaman sina Tryzt. Higit sa lahat siya ang only heir ng Jiyu group. At malaki rin ang share nila sa school na ito. "Can i talk to you?" Kalmadong tanong ni ate Airah. Ewan ko ba at umandar ang curiosity ko kaya naman nagtago ako at sumilip na lang. Tinanggal ni Tryzt ang headphone sa kanyang ulo at tinatamad na tiningnan si ate Airah. "What do you want? Magtatapat ka rin ba ng pag-ibig sa akin?" Sarkastikong tanong ni Tryzt. "Kung sakaling mainlove man ako siguradong hindi sayo." Bakit kaya niya hinarang si Tryzt. May gusto din ba siya rito at nagkunwari lang na walang pagtingin para mapansin? "Gusto mo si Aikah hindi ba?" Muntik ko ng mabitiwan ang hawak kong libro. Grabe to si ate. Alam na ngang inaapi ako ng lalaking yan, itanong ba naman na may gusto ba ito sa akin? Rinig ko ang malakas na tawa ni Tryzt. Napayuko na lamang ako dahil humawak pa talaga siya da tiyan niya sa kakatawa. Ito na yata ang unang beses kong nakitang tumawa siya ng ganito. "Kung wala ka naman palang gusto sa kanya wag ka ng magpapansin. Saka wag mong ginagawa sa akin ang paraan mo sa pagpapansin sa kanya. Kung ganyan ka lage iisipin ko talagang gusto mo ako." "Hindi ko alam na ang taas pala ng tingin mo sa sarili." Tiningnan si ate Airah mula ulo hanggang paa. "Gusto ko lang makasigurado na di mo ako type. Ayoko kasi na may magkagusto sa akin na tulad mo e." Sagot ni Ate Airah at naglakad na paalis. "Nga pala, wag mong sinasaktan ang ang babaing yun sa harapan ko pa mismo kung ayaw mong babalian kita ng buto." Sabi ni ate Airah at tumalikod na. Mabilis akong umalis mula sa pinagtataguan baka kasi makita pa nila ako. Nagmamadali akong naglakad patungo sa locker room kaya lang nakasalubong ko sina Dianne at ang tatlo niyang mga kasama. Bad mood pa naman to. Siguradong ako na naman ang pagbubuntunan niya ng galit. Babalik na sana ako sa dinaanan nang may humarang. "Ops! Sandali lang. Mag-uusap na muna tayo." Napalunok-laway ako makita si Nancy. Naglakad siya palapit sa akin kaya napaatras ako. "Gusto pa naming maglaro kaya wag ka munang umalis." Napatigil ako sa pag-atras marinig ang boses ni Dianne sa aking likuran. Naramdaman ko na lang na may nagtulak sa likuran ko na ikinadapa ko. Dahan-dahang nangilid ang aking luha. Bakit ba ako palage ang pinagdidiskitahan nila? Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanila. Kinuha ni Dianne ang isang trashcan at akmang ibuhos sa akin ang laman nito. Napapikit na lamang ako at hinihintay pagbuhos ng mga basura sa aking ulo ngunit walang nangyari. Kaya naman napaangat ako ng tingin. Nakita ko ang trashcan na nataob sa ulo ni Dianne at mga tissue sa bibig nina Nancy at sa dalawa pa. "Hindi talunan ang isang Lionheart. Tumayo ka diyan. Wag kang tanga na naghihintay kung kailan kakatayin. Walang knight in shining armor ang magliligtas sayo." Sabi niya at naglakad na paalis habang nakapamulsa. Hindi ko alam kung anong nangyari bakit mangiyak-ngiyak na sina Nancy. Naisip ko na dahil siguro sa maruming tissue na ginawang busal sa bibig nila kaya sila naiiyak. Kaya lang parang nawalan sila ng lakas at hinang-hina pang gumalaw. Tumayo ako at inayos ang aking uniporme saka napatingin kay ate Airah na tiningnan kung saan ang locker niya tapos umalis na. Hindi ko alam kung bakit parang gumaan bigla ang pakiramdam ko kay Ate Airah. Sa unang pagkakataon na may nagtanggol sa akin sa school na ito. Kumirot man ang puso ko dahil sa sinabi niya ngunit hindi nito maipagkakaila na ipinagtanggol parin niya ako kahit na ang sungit niya at ang sakit magsalita. Hindi katulad sa mga pinsan ko at mga kapatid na dinadaanan lang ako at nilalagpasan. Kahit na binabastos na ako at pinapahirapan ng iba. *** Third person's p.o.v Napahinga ng maluwag si Aina dahil nakuha na rin niya ang order niyang pagkain. Bitbit ang tray niya na may lamang mga pagkain dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa upuan niya. Ngunit binanggaan siya ng campus flower ng school na ikinatilapon ng bitbit niya sa isang table kung saan nakaupo si Sydion, ang certified badboy ng Lionheart Academy. "Bulag ka ba miss o sadyang tanga ka lang?" Sigaw ng lalake sa kanya. Masyado itong mayabang at mainitin ang ulo at sinumang makakapagpaandar sa galit nito tiyak na magiging mapait ang buhay sa campus. Napayuko siya makita ang matalim na tingin ni Sydion at kita din niya na may mga pansit pa sa mukha nito. Nabasa din ng sauce ang puting uniporme ng lalaki. "Sorry, di ko sinasadya" ang naiiyak ng pagpapaumanhin ni Aina. "Nakakahiya talaga siya.Buti nalang diko siya naging kapatid." Sabi naman ni Alvira makitang si Aina pala ang gumalit kay Sydion. "Ang tanga naman kasi. Pinapahiya lang niya ang pamilya natin." Ava said. Lalo tuloy naiyak si Aina. Nandon lahat ang mga kapatid at pinsan niya pero kinakahiya pa siya sa halip na ipagtanggol. Si Aiden naman nais tumulong pero natatakot kay Sydion. Nakabuka tikom lang ang bibig ngunit walang salita ang lumabas sa kanyang bibig at pinili na lamang lumabas na kunwari hindi alam ang nangyari sa kapatid. Malakas kasi ang impluwensya ng mga magulang ni Sydion at isa sa apat na shareholders ng Lionheart Academy. Tumayo si Sydion at kumuha ng isang platong kanin at pinaligo ito kay Aina. Napapikit nalang si Aina at tinanggap na lamang ang kanin na bumuhos sa ulo niya. Kasunod nito ang malamig na juice na bumuhos din sa ulo niya at dumaloy pababa. Nagsimula namang mag-cheer ang mga estudyante habang ang iba halos ibaon na ang mga mukha sa kanilang kinakain sa takot na makuha ang atensyon ni Sydion. Bigla na lamang natahimik ang buong paligid at ang iba nakaawang ang mga bibig. May nagbuhos kasi ng tuyo sa ulo ni Sydion. "Woah. Ang tapang ha." Sambit pa ng isang estudyante makitang walang takot kay Sydion ang baguhang estudyanteng babae. Dahan-dahang inilingon ni Sydion ang ulo, naka-straight line ang labi, sobrang talim din ng tingin ang ibinigay sa sinumang nagbuhos ng tuyo sa kanyang ulo. Ikinuyom niya ang kamao upang sapakin ang lalaking gumawa nito sa kanya ngunit nagulat siya dahil babae ito pero tumalim ulit ang tingin dahil naisip niyang babae lang pero ang lakas ng loob na ipahiya siya ng ganito. Bago pa man makasapak may tumama sa kanyang sikmura na ikinatumba niya. Napaungol siya nang apakan ni Airah ang kanyang sikmura. Nanatiling nakapikit si Aina ngunit nang mapansing tumahimik ang buong paligid at nakarinig siya ng ungol at kalabog unti-unti niyang idinilat ang mga mata. Nakita niyang nakahiga na sa sahig si Sydion at nakaapak pa ang paa ni Airah sa sikmura ng lalaki. Iniwan ni Airah si Sydion at naglakad palapit sa isang babae saka hinila ang buhok nito at dinala palapit kay Sydion na kakatayo lang muli. "Ang babaeng to ang may kasalanan. Siya ang ipahiya mo at hindi ang biktima lang." Sabi ni Airah sabay sulyap kay Aina na ngayon ay nakatulala habang nakatingin sa kanya. "Sa susunod na magparusa ka hindi ang inosenteng tao kundi ang tunay na may kasalanan." "Bitiwan mo ako ano ba." Sigaw ni Jenessa ngunit natigil ang pagsisigaw niya dahil inilubog ni Airah ang mukha niya sa beef steak na nasa mesa nina Sydion. Hindi nakapagsalita si Sydion mapagtanto na ito yung babaeng napagtripan ng grupo niya sa mall dahil nakukyutan sila rito. Yung babae nama'y tuluyan ng umiyak sa sobrang sakit ng anit at sa pagkahilamos niya ng beef steak. Si Aina naman nagpapantasya pa. Iniisip na may prensipeng nagligtas sa kanya at cool na ipinagtanggol siya. Napapangiti pa siya maisip na sa unang pagkakataon, may nagtanggol na rin sa kanya. "May nagtanggol sa akin?" "Ipinagtanggol ako ni ate Airah?" Kahit nasaktan siya at napahiya, napalitan parin ng tuwa ang kanyang puso. May nagtanggol sa kanya, may nagmamalasakit sa kanya at iyon ang pinakamahalaga. Humarap si Airah kay Aina at cold na napatingin dito. "Matuto kang lumaban. Walang ibang tutulong sayo kundi ang sarili mo lang. Hindi nadadala sa luha ang mga tulad nila at wag kang umasa sa itinuturing mong pamilya dahil hindi ka nila itinuturing na pamilya." Sabi ni Airah bago umalis. Bigla namang bumagsak ang balikat ni Aina sa narinig ngunit hinabol din si Airah. Tumigil si Airah sa tapat ni Aikoh at tiningnan ito na tila nandidiri. "Walang kwentang lalake. Lionheart? Hahahaha. Bagay nga sayo ang apelyido na yan. Tutang leon ka nga lang dahil takot kang lumaban at ipagtanggol ang kapamilya mo. Sabagay Lionheart ka nga naman." Sabi ni Airah bago sipain ang mesa nina Aikoh. Nagkatinginan naman ang mga kaibigan ni Aikoh. "Sino ba yon? Kilala mo?" Takang tanong ni Christian. "Nakita ko sa malapitan ang mukha niya. Ang kinis at ang ganda." Naitikom ni Ricky ang bibig makita ang masamang tingin ni Aikoh sa kanya. "Wag mong sabihin may bago na naman kayong kapatid?" Napatakip pa sa bibig na sambit ni Anthony dahil sa narealize. Si Tryzt naman nakatitig lang sa papalayong pigura ni Airah. "Alam mo bang hinarang niya ako kanina tapos sinabi niya, Tryzt, gusto kita." With feelings na sabi ni Tryzt. Si Aikoh na uminom ng tubig dahil sa kabang nararamdaman kanina naibuga ang iniinom. Nahilamos tuloy ni Anthony na siyang kaharap niya. "Wag kang umasa. Di ka nga niya kilala." Sagot ni Aikoh na di na pinansin ang nagrereklamong si Anthony. Saka naalala ni Tryzt na di nga pala siya kilala ni Airah. "Malay mo kung narinig niya sa iba di ba?" Sagot nito na nakataas pa ang noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD