ANEL
Nagising ako kinabukasan na wala si Leon. Nag-panic ako at napalingon agad sa kama—naroon naman si Valier, pero wala ang papa niya.
Nagsuot agad ako ng kung anong shirt na nadampot ko sabay lumabas. After what happened at home, the shooting, I get really scared easily.
"L-Leon?" tawag ko sa buong bahay. Nanlamig ang mga kamay ko nang wala akong makitang bakas niya roon.
Alas singko pa lang nang umaga. Hindi pa sumisikat nang tuluyan ang araw and I didn't even know what time we slept together last night!
Oo, magkasama kaming natulog. Something happened pero parte iyon ng trabaho ko.
"Leon? Leon!" sigaw ko. Natataranta na ako dahil kasama ko pa naman si Valier. Paano kung may sumugod sa amin dito? Paano kami? God, hindi ko pa alam itong isla!
"Leon—"
"Anel, lower your voice. It is 5 AM."
Napahawak ako sa dibdib ko nang makita si Leon na nasa tapat ng bahay, nagsisibak ng kahoy. He was topless, still wearing the shorts he went to bed with.
Napabuga ako ng hangin. Ang sarap ihampas sa kaniya ng kahoy na hawak niya. "'Wag mo na ngang u-ulitin 'yun. After what happened sa bahay niyo..."
He looked at me with these endearing eyes. Tumigil siya sa pagsibak ng kahoy, sabay bumuntong-hininga. "Sorry."
"Ayos lang," sagot ko naman agad. Tinuro ko ang mga hawak niyang kahoy. "Para saan 'yan?"
"Magluluto ako," walang gana niyang sagot. "Naubusan na ng gas."
"Bumili ka," sabi ko naman.
Kinarga ni Leon ang mga dala niyang kahoy sabay tinuro ang kalangitan. "It is 5 AM, Anel. Where am I supposed to buy a gas tank at this hour."
Inirapan ko siya. Well, may point. Fine.
Pumasok siya sa loob tapos sumunod din ako sa kaniya. Pasulyap-sulyap ako habang nagsisiga siya sa maliit na dirty kitchen na barong-barong style sa may bandang likod.
Ngayon ko lang na-realize na sobrang galing ng idea niya na magtago sa ganitong bahay. Who would suspect that he would live here?
Habang nagluluto siya, nagligpit naman ako. Nagwalis-walis ako, nagtanggal ng agiw sa kisame, tapos nagpunas ng mga muwebles. Wala namang masiyadong gamit sa bahay kaya nga medyo nakakalungkot, e. Walang libangan, ang hina pa ng signal.
Pagtapos, nilapitan ko si Leon. Nagsasangag na siya ng kanin na natira namin kagabi habang naupo naman ako sa maliit na plastic na mesa at inayos ang kape at asukal doon.
"Leon, may gusto lang akong itanong," tawag ko sa kaniya.
"Yeah."
"Tungkol 'to sa mga sinabi ko sa 'yo bago tayo umalis ng Maynila."
Nakita kong tumigil sa paggalaw ang braso niya dahil natigilan siya sa pagsasangag. "What about it?"
Napakagat ako ng labi. Mula nang sinabi ko sa kaniya 'yon, hindi ko alam pero may kurot sa akin kapag naaalala ko.
Leon was genuinely kind to me at our time in that bar. Mabait naman at pakiramdam ko, minahal niya talaga ako. Kaso... kaso 'yung pinaasa niya ako na itatakas na sa trabahong 'yun, na bibigyan ng magandang buhay tapos hindi naman natuloy—sobrang masakit. Masakit at nakakahiya.
"I meant it. Galit ako sa 'yo, totoo. At siguro, bitter na talaga ako habangbuhay," mapakla kong sambit. "Nakakahiya kayang mapunta sa sitwasyon ko no'n. Alam mo 'yun, ako 'yung mahirap na hostess mo, tapos umasa ako na kahit magkaiba tayo ng estado sa buhay, mamahalin mo talaga ako nang sapat para itakas sa bar."
"Anel..."
Napayuko ako, hinihintay ang sasabihin niya.
"Minahal kita. Totoo ang naramdaman ko para sa 'yo."
Nag-angat ako ng tingin. Nakaharap na sa akin ngayon si Leon at may lungkot sa mga mata niya.
"It was just... something happened that night. Nakasalalay ang mga buhay noong gabi na 'yon."
Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"
Naglakad palapit sa akin si Leon, dala ang isang mangkok ng sinangag. Nilapag niya iyon sa mesa at noon, pinakita niya sa akin ang isang peklat sa palapulsuhan niya.
"A-Ano 'yan?"
Hindi iyon basta peklat... parang may nakasulat. O nakaguhit? Itsurang agila na buto-buto na lang ang pakpak.
"Isa ba 'yang..."
"Gang sign," Leon answered.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung maiirita ako sa sinabi niya o matatawa. Ilang taon na ba siya? Hindi na siya 18 years old para sumali sa mga gang.
"A gang? At your big age—"
"I was seventeen and stupid, and desperate for attention," he blankly replied.
"O-Okay, so may gang. Ano naman?"
Naupo siya sa upuan sa tapat ko. "I violated the brotherhood's pact—never date the enemy."
Naningkit ang mga mata ko. "V-Val's mother..."
"Before we even met, that gang is already after me. Val's mom was from a different group, one that have been clashing with ours for years. Kapag sumuway ka sa utos, buhay ang kapalit. No money can destroy that brotherhood dahil mga pulitiko at negosyante rin ang miyembro. It just so happens I have enough in the bank to keep dodging their attempts to kill me," he explained.
Nalaglag ang panga ko sa mga narinig. Totoong may mga gustong pumatay sa kaniya? Kaya pala may sugat siya noong nakaraan... at kaya pinuntirya nila si Valier.
"T-Teka, teka lang... kung ganito pala ang sitwasyon, nasaan ang mama ni Val? Safe ba siya?"
His expression darkened. I can see something in his eyes—anger. "She is safe."
"Walang humahabol sa kaniya?"
"Wala, kasi siya ang humahabol sa akin."
"Huh?"
Umiling siya. "Betrayal is key when you want to survive, Anel. She wanted to live, so she helped the enemy to have me killed."
"What the hell?"
Napalingon si Leon sa kwarto kung saan natutulog si Valier. "If it weren't for my son, I wouldn't try to hide from them until my plan is over."
"May plano ka? Paano? Papatayin mo sila?"
Hindi na sumagot sa akin si Leon at tumayo na. Kumuha na siya ng tasa, nagsalang ng tubig sa takure, at hindi na umimik sa akin habang hinihintay iyon na kumulo.
"That night I ghosted you, they tried to take Valier away."
Natameme ako sa sinabi niya. Parang hindi na tuloy valid ang galit ko... pero hindi ko talaga maiaalis sa akin. Nasaktan lang din ako.
"Kaya rin hindi nagtatagal ang maids dahil halos lahat sila, espiya. I know traitors when I see them," Leon said. Napatingin siya sa akin. "Hindi mo naman siguro ako tatraydurin 'di ba, Anel?"
Mabilis akong umiling. Muntik na akong napatay ng mga gang member na tinatakbuhan niya, bakit ako kakampi sa mga 'yun?
"Siyempre, hindi. Muntik na nga nila akong itumba," sagot ko naman.
Magsasalita pa sana si Leon nang may bumusina sa labas ng bahay namin. Sabay kaming nagkatinginan.
Dali-daling tumakbo si Leon sa bintana at sinilip kung sinong nasa labas. "Anel, lock Val's room. Dito ka lang hangga't hindi ko sinasabing lumabas ka."
"H-Ha? Lalabas ka—"
Lumakas ang t***k ng puso ko lalo pa nang marinig kong may kumakatok na sa labas.
Shit! Ito na ba?!
"I'll be damned," biglang bulong ni Leon. Nawala ang tensiyon sa balikat niya at nakita ko ang ngisi sa mga labi niya.
Teka, bakit? "A-Anong ganap—"
"Boss Leon? Ako 'to, pakibuksan naman ng pinto, boss. Ang lamig."
Is that Brad Pete?!
Nagpunta si Leon para pagbuksan si Brad Pete na parang nag-camping sa dami ng bitbit. Nakasuot pa siya ng pambahay na damit, yellow green na rubber shoes, tapos pambukid na sumbrero. What the hell is that? Jologs!
"Brad!" sigaw ko. Napayakap ako sa kaniya. Naging kaibigan ko na rin kasi siya at siya ang nagbigay sa akin ng trabahong ito.
"Anel, kumusta?" sabi niya. He tapped my shoulder and I let go. "Island girl ka na."
"You have everything?" Leon went straight to the point.
Tinuro ni Brad ang isang owner na dala niya na napakaraming gamit. I even saw a refrigerator box in there. "Yes, boss. Nandiyan na lahat."
"Okay, thank you. Safe travels," sabi ni Leon.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "A-Aalis na siya?"
"Tingnan mo naman ang suot ko, Anel. Nagtatago ako, kailangan ko nang makabalik sa Maynila!"
Shit, oo nga. Disguise niya pala 'yan. Ang jologs naman!
"Take care, Brad."
"Kayo rin, boss. Ikumusta niyo na lang po ako kay Val! Anel, una na ako. Bye-bye!"
Wala pang isang minuto si Brad Pete rito. Lungkot akong pinanood siyang maglakad palayo dahil iiwanan daw ang owner para magamit ni Leon.
"Pinagkape muna sana natin siya," sambit ko.
"He'll be fine," Leon said.
Kinuha namin ang mga gamit sa owner tapos nagsimulang magsalansan. May ilang appliances gaya ng refrigerator at oven, may organizers ng damit at plato, mga damit, hygiene items, tapos grocery.
Nagising si Val nang alas otso nang umaga. I took him to the beach to play, went back to have lunch, and then he went for his siesta in the afternoon.
Nag-ayos naman ako ng grocery na dala ni Brad habang si Leon ay umalis para bumili ng gasul.
Nakabalik siya halos alas dos na nang hapon. Pawis na pawis siya dahil isang oras daw ang nilakad niya kahahanap ng mabibilhan. Ayaw niya pa kasing gamitin ang owner sa ngayon, dahil baka mahalata raw ng mga tao.
"Ano ba 'yan, pawis na pawis," pabiro kong sabi sa kaniya. Kumuha ako ng towel at pinunsan siya. "Ang asim mo na!"
Nagtaas ng kilay si Leon habang pinapanood akong punasan siya. Nilapit niya tuloy ang mukha niya sa ilong ko. "Amuyin mo nga 'ko kung maasim."
"Tse!" saway ko. Pagtapos siyang punasan, tinulak ko na siya palayo sa akin, tinatago ang ngiti.
Para kaming ewang dalawa, sa totoo lang. Hindi ko alam kung enemies kami, kung f-ck buddies, kung strangers with a past. Ang komplikado!
Nang makuha ko na ang huling laman ng grocery box, nakita kong may nakasiksik na brandy sa ilalim.
Nagpabili pa talaga ng alak ang loko. Habang inaayos niya 'yung kalan, binuksan ko ang alak tapos nagsalin sa isang baso.
Agad kong nilagok iyon at napaduwal ako sa sobrang tindi ng lasa. Nakita kong nabigla si Leon sa akin at nataranta pero agad namang napa-poker face nang makita kung anong ginawa ko.
"Hindi 'yan beer, Anel," pangaral niya sa akin. Nagbuhos siya ng tubig sa baso at inabot sa akin.
Maubo-ubo kong kinuha ang baso at napapahampas sa dibdib. Ang init sa lalamunan! Grabe namang inumin 'yan, ang tanda ng lasa!
"N-Napakapangit naman ng lasa niyan!" sigaw ko. Nauubo pa ako at naluha sa tindi dahil ang dami ko ring nalagok! "Paano mo naiinom 'yan?!"
I saw him laughing a little at me. He was looking at me like I'm the biggest joke in the world. "Inom tayo mamaya para masanay ka sa lasa."
Tinuro ko 'yung higanteng bote ng brandy. "Niyan? Inom niyan?! Hindi na! Kahit anong pulutan hindi kaya 'yan, Leon!"
Humalakhak pa si Leon sa akin at napailing-iling. Kinuha niya ang bote, sinara ang takip, tapos pinakita sa akin. "Brandy goes so well with some séx, Anel."
"A-Ano?"
Leon smirked. "I'll show you later."