Point of View: Andrea Raizen Narvaez Matapos ang araw, ang buong akala ko ay magiging ayos na rin kami. Ang buong akala ko ay magiging masaya na ako kahit papaano dahil nakaligtas kami. Pero mali pala ako... Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang akong iniwasan ni Devin. Pilit ko siyang kinakausap pero hindi naman siya sumasagot. Naguluhan na lang talaga ako sa bigla niyang pagbabago ng mood. Para kasing kanina lang ay masaya pa siya pero ngayon ay iba na. Ngayon ay naramdaman ko na kung ano ang pakiramdam kapag iniiwasan ka ng isang tao. At iyong taong iyon ay mahalaga pa sa 'yo. Ang sakit lang sa loob. Kaya naman ngayon ay wala akong nagawa kundi ang hayaan siyang umuwi sa mga magulang at kapatid niya. Ni hindi man lang niya ako kinausap matapos ang nangyari at hindi niya man la

