"Nasaan si Kuya Gen, Ate?" tanong ko kay Ate Kiara nang makababa ako galing sa kwarto ko. Pupunta sana ako ngayon sa gym gaya nang nakagawian. Gusto kong isama si kuya para may shield ako pero napansin kong wala siya sa sala miski sa kwarto niya. "Hindi ko nga alam, e. Nagmamadaling lumabas kanina ng bahay. Hindi niya sinabi kung saan pupunta," aniya. "Ganoon ba? Saan naman nagpunta ang isang iyon? Hindi man lang nagsabi!" bulalas ko. Napakamot pa ako sa batok ko dahil mukhang wala na naman akong choice. "Hayaan mo ang isang iyon. Hindi na mapirmi sa isang lugar. Nitong mga nakaraang araw ay gala nang gala. Sinusulit yata ang bakasyon," aniya habang ngumunguya ng chichirya. "Eh ikaw, ate? Wala ka po bang pupuntahan? Bakit hindi mo subukang mag-gym na rin?" pag-aya ko sa kaniya. Baka n

