"Oo, naiintindihan ko. Iyon kasi ang pagkakaintindi ko sa sinabi mo pero alam ko naman kung ano ang gusto mong sabihin. Iyon din sana ang gusto kong sabihin sa iyo," ani Devin habang natatawa pa rin. "Tumigil ka muna nga sa katatawa! Nakakainsulto, a!" naiiritang sabi ko. Sa hindi malamang dahilan ay naiinis ako dahil sa pagtawa niya sa akin. Halata mo naman kasing nang-aasar siya kahit na ganoon ang sinasabi niya sa akin. "Ito naman, ang pikon, inaasar ka lang naman. Anyway, totoo yung sinabi ko. May nagtanong kasi sa akin kung girlfriend daw ba kita. Noong sinabi kong hindi ay hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko," napapakamot batok na sabi niya habang nakatingin sa sahig. "Kanina, may nagtanong din kasi sa akin kung tayo raw ba. Syempre, sabi ko rin hindi. Kaya ang sinabi ko

