Si EX

872 Words
*Ex* Part11 Ivan* POV (Ha? Papa...) Huminto ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko na tinuloy ang pag Lapit kay Josh. May batang Lalaki na tumatakbo palapit kay Josh. Masayang masaya ito. Sa reaction ni Josh. Masaya din ito sobra. Binuhat ni Josh ang Bata na tinatawag syang.. *Papa* Ang gwapong Bata. Pinapanood ko sila. (May anak na si Josh?.) Mayamaya nakikita kong lumalapit sila Kyle, Jacob at Justine sa Mag Ama. Ang saya saya nila. Hinaharot ni Justine yung Bata habang buhat ni Josh. Nagtatawanan naman si Kyle at Jacob. (Lalapit kaya ako?) "Babe, " Lumingon ako. Nasa likod ko si Denice. Nakangiti. "Tara, Lapit tayo sa kanila?." Sabi nito. "Hindi na. Ayoko masira yung kasiyahan nila." Sagot ko. Tumingin ako kila Josh. Lumingon ako ulit kay Denice. Gulat na gulat sya. "Nakaka gulat diba? Wala akong ka alam alam na may Anak na pala si Josh." Sabi ko. "Oo, nga. Nag asawa ba si Josh? Nasan kaya Asawa nya." Sabi nito. Tumingin ulit ako kila Josh. Ang saya saya nila Sobra. Mayamaya... Nag upuan na ang lahat sa kani kanilang pwesto. Katabi ko ang Mommy ko nasa kaliwa ko. Si Denice nasa Kanan. "Nak, may Anak na pala si Josh." Mommy. Tumingin ako dito. Ngumiti ako. Alam nyang hindi ko alam ang tungkol dun. "Mom, nakaka shock. Wala man lang tayong ka alam alam. Hindi man lang nila tayo sinabihan. Or in-invite man lang nung bininyagan yung Bata. Anong Klaseng Kadugo sila." Maarte na pagkakasabi nito. "Tumahimik ka." Sabi ko at nilingon ko si Denice. "E, totoo naman eh. Kamag anak mo sila diba?! E bakit hindi ka manlang sinabihan. Ikwento manlang nila na, Uyy Ivan si Josh Magkaka anak na. Pero wala, Sinikreto lang nila. Mga Walang Kwenta mga Pinsan mo!." Denice. Hinawakan ko agad sya sa Tuhod at piniga ito. "S'sorry na babe." Sagot nito habang nakayuko. Inalis ko na ang pagkakahawak ko dito. Tumingin si Mommy saken. Na parang hindi makapaniwala sa nakita nya. Bihira ako magalit. Pero pinaka pumasok sa isip ko. (Ilang taon na yung Bata?.) Sa nakikita ko Edad 3 or 4 yung Bata. Ambilis naman ni Josh. Napapaisip din ako kung nag asawa sya. Base sa Social Media nya wala naman syang pinopost na Babae dun na hindi namen ka anu ano. Wala din syang pinopost na Baby. Inikot ko ang paningin ko para hanapin kung sa'n naka upo sila Josh. Yakap yakap nya yung Bata. Ang ganda ng ngiti ng Batang yun. Dinidikit ng bata yung ilong nya sa ilong ni Josh habang naka ngiti. Ang saya saya nilang panoorin. Pero nasan kaya ang Nanay nung batang yun. Mayamaya... "Ladies and Gentleman!. Let's Welcome Our Boss.. Madam Altea!" Host. Nagpalakpakan kame. Bumababa si Tita Thea sa Hagdan. Suot ang napakaGandang Gown. Kulay Pula ito na may pagka Glitter. Nag ni ningning ito habang bumababa. Nag tayuan kameng lahat. Inabot ng Host ang micropono kay Tita Thea... "Good Afternoon Everyone... Maraming maraming salamat sa pa Welcome Party nyo saken." Tita Thea. Nagpalakpakan ulit kame. Nilingon ko sila Josh. Buhat nya yung Bata. Pumapalakpak din. "Thank you so muck. Itong malaking Kasiyahan naten ay dadagdagan ko." Tita Thea. Humakbang pa ito pababa. "Alam nyo naman ang pinag daanan ko nung nawala ang Unica Hija ko. Para bang gumuho ang Mundo ko. Naalala nyo nung Libing na yun." Nag tanguan ang karamihan. Nagtataka ako. Anong Meron. "Yung inatendan nyong Libing. Hindi ko yun Anak... Buhay ang Anak ko. Hindi sya namatay. Nakaligtas sya sa Sunog nung panahong yon." Tita Thea. Nag iingay ang karamihan. Hindi nila maintindihan kung ano ang sinasabi ni Tita Thea. "Well, Let's Welcome! My Unica Hija!.. Princess Sandra Gray Villa Rica!.." Tita Thea. (Ha? Ano. Tama ba tong narinig ko. Ang alam ko mag ka apelyido lang sila. Pero si Sandra nga ba na Ex ko yung sinasabi ni Tita Thea ngayon...) Sa taas. Kung sa'n lumabas kanina si Tita Thea. May nakita akong maputing Hita. Naka Heels ito na kulay Itim. Gown Dress na may Slit na kulay Gray. Makinang ito. Napaka gandang katawan. Bumababa sya. Tinaas ko sa Mukha nya yung tingin ko. (S'sandra...) Sa isip ko. Ang Magandang Mukhang yon. Syang sya. Maganda ang ngiti nito. "Hi Sandra!! " Sigaw ng karamihan. Ngumingiti lang ito. Haganggang sa ... Lumingon ito sa Direksyon ko. Yung Ngiti nya nawala nung Tumingin sya saken. Alam kong napaka Laki ng Kasalanan ko. Gusto ko, tumakbo sa kanya. Gusto ko sya yakapin. Halikan. Gusto ko sabihin na pinag sisi sihan ko na yung Lahat ng ginawa ko sa kanya. Nakatayo lang ako. Nakatitig sa kanya. "Mama!" Lumingon ako. Yung Anak ni Josh. Tawag nya kay Sandra *Mama* (Anong nangyayare. Anong Mama?. Paanong Mama.Pa'nong---) "Babe." Lumingon ako kay Denice. Gulat ang reaction nito. Hindi ako makapag salita. Hindi ko maintindihan kung ano nangyayare. "Ivan Anak," Tinawag ako ni Mommy. Malungkot ang Reaction nito na parang may halong Takot. Talagang nakakaTakot. Sinaktan namen si Sandra sa Loob ng Dalawang Taon. Tapos wala kameng kamalay Malay na Anak sya ni Tita Thea na Boss namen. Tumingin ako ulit sa kinatatayuan ni Sandra. Nakangiti ito habang hawak hawak ang Buhok ng Bata. Katabi nya si Josh. Kitang kita ng Dalawang Mata ko. Hinalikan sya ni Josh, Sa Labi...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD