*Ex*
Part6
(Altea?. Ang gandang pangalan.)
Ano kayang itsura nya.
"Eto ang picture nya." Josh.
Tinitigan ko ang picture sa Phone ni Josh.
Lumapit ako sa salamin.
Kahawig ko sya...
Pero maraming magkaka mukha sa mundo.
"Kamukha mo sya." Sabi ni Josh habang nakatingin saken at nakangiti.
"Maraming magkaka hawig diba? " sabi ko.
"Well, kayo ni Tita Thea magka hawig." Josh.
"T'tita ano?? " nagulat ako.
"Si Tita Thea. Sya si Altea Gray Villa Rica. Bali ninang ko sya.
I mean ninang namen nila Ivan." Sagot nito.
Pano yun. Kakilala pala nya.
Sabi nya kanina mas Mayaman pa raw yun sa Parents nila.
Halos Boss na raw yun ng mga Parents nilang mag pipinsan.
(Sya na kaya?)
"Kwento saken ni Mommy kahapon. Nung nanganak si Tita Thea nagkaron ng Aksidente sa Hospital kung San sya nanganak. Bali nagka sunog. Napakalakas na pag sabog ang naganap at sanhi ng Sunog. Nag re search din ako. 1993 naganap yun. Lahat ng Baby sa hospital na yun nag Abo. Sakto sa birth year mo. Kaya may posibilidad na ikaw ang Tagapag Mana ng ari arian nila." Josh.
"Ewan, ko Josh. Hindi ko alam kung anong iisipin ko." Sabi ko.
"Sandra, ikaw lang ang Gray Villa Rica na pinanganak nun. Diba't yan ang apelyido mo ngayon?" Josh.
"Oo, yun ang apelyido ko. Pero pano kung--" hindi ko na alam kung anong isasagot ko.
"Sandra, uso DNA. Ako pa sasagot sasabihin ko kay Tita Thea malaman lang naten kung related kayo."Josh.
"Basta't ikaw bahala Josh." Sabi ko.
Tumango ito.
At nagtanong kung gusto raw ba namen mamasyal.
May pasok sa opisina si Anya kaya kameng tatlo ang mamamasyal.
"Jon!. Anak! Tara ligo tayo! Aalis tayo ni Papa Josh!." Tawag ko sa anak ko.
"Yihiii! Tara na mama! " tuwang sagot ni Jon.
Pagkatapos maligo ay pinalibot ko na ang twalya sa katawan ko.
Binuksan ni Jon ang pinto at nag ta takbo ito pababa sa sala.
Nado'n si Josh. Naku, pano ba to.
Pag bukas ko ng pinto ng kwarto.
Tatawagin ko na sana si Jon , pero pag bukas ko...
Buhat buhat ni Josh si Jon.
Nakahubo ang anak ko't basang basa.
Nagkatitigan kame ni Josh.
Kita ko sa mukha nya ang gulat na medyo may kaba.
(Ang gwapo talaga.)
Tumawa ng malakas si Jon kaya napatingin na ko dito.
Binaba na ni Josh si Jon kita kong nakatingin ito sa Hita ko na basa pa. Pataas ang tingin habang patayo sya ay pataas din ang tingin nya saken.
Pag tingin nya sa mukha ko ngumiti sya.
Yumuko naman ako.
Nahiya ako sobra.
"Baba na ko. Wait ko kayo." Sabi nito na husky at mababa ang boses.
Tumango ako at sinara ang pinto.
Si Jon naman talon ng talon sa Kama.
Napasandal ako sa Likuran ng pinto.
Rinig ko yung sapatos ni Josh na bumababa na ito papunta sa sala.
Ang lakas ng t***k ng puso ko.
(Ano yun?) Sa isip ko.
"Ma! Tara na! " Jon.
Dali dali na kong nag hagilap ng masusuot namen mag ina.
Nagpupunas na si Jon ng katawan.
Pagkatapos ay pinulbusan ko na ang makulit kong Prinsipe.
Tapos ay binihisan.
Lumabas na sya.
Iniwan nyang bukas ang pinto.
Pero hinayaan ko nalang alam kong nasa baba si Josh.
Naghahanap ako ng damit.
Ng marinig kong sumara ang pinto.
Pag lingon ko si Josh.
"J'josh." Sabi ko.
Bigla itong lumapit saken at hinalikan ako.
Hindi ko na rin alam kung anong mararamdaman ko.
Iniisip ko madumi na kong Babae pero parang hindi nandidiri si Josh saken.
Huminto sya't tumingin sa mata ko.
Tumingin din ako sa kanya.
Dahan dahan dinikit ni Josh ang Noo nya sa noo ko.
Tapos ay dinikit ang labi nito sa labi ko.
Pumikit ito. Pumikit din ako.
(Ang sarap ng halik ni Josh.)
*knock knock
"Ma! Papa Josh!. Nag ta tagu taguan po ba tayo?"Jon
Huminto kame ni Josh nag bihis na agad ako kahit nandyan sya.
Hindi naman sya nakatingin saken dun sya sa pinto nakatingin. Binilisan ko ang pagsuot ng bra at panty.
Lumingon sya.
Tapos sa pinto sya ulit humarap.
Nag pulbos agad ako nag Deo ,at nag suklay.
Nag liptint.
"Ready na ko." Sabi ko.
Timingin si Josh saken at nakangiti.
***
Dondon*
POV
(Ayos. Naka pag day off din.
Sunod sunod lakad ni Boss Ivan.)
Kasama ang Asawa't nag iisang anak nag lalakad kame sa Mall.
Ang anak ko.
Takbo dito takbo don.
Hayy bata.
(Ha? Si Sir Josh ba yon?.) Isip ko.
"M'ma'am Sandra?!... " Dondon...