Nang mag pasya si Leera na lumusong sa dagat, kinuha ko naman kaagad ang pag kakataong ito, para makapag tanong pa kay Alex.
"Kaibigan mo ba ang lalaking iyon?"
"Sino? Si Shion?"
"Kung Shion nga ba ang pangalan sya, siguro sya na nga ang tinutukoy ko."
Napangiti sya ng bahagya, at saka nya inihinto ang pag papaypay sa niluluto.
"Interesado ka ba sa nilalang na iyon?"
"H-Hindi, natanong ko lang. Masama na bang mag tanong?"
"Last month lang nangyari iyon, hwag mong sabihin na namimis mo iyong ginawa nyo?"
Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ang pula pula ng mukha ko.
"Sagotin mo nalang iyong tanong ko, at hwag ka ngang issue dyan!"
"Kaibigan ko sya, at may posibilidad na sumunod sya dito."
"Aalis din kaagad kami ni Kaiya."
"Oo, tama si JanJan."
Speaking of Kaiya?
Nasapo ko nalang ang noo ko ng maalala ko sya. So, narinig pala nya ang lahat.
"Hey! Cous. Nandyan na pala kayo." -Demi
"Hi, JanJan." -Phia
"Aba, sumulpot ang kabute." -Fame
"Girls outing ba ito? At mag kakasama pala kayo." Natatawa kong tanong.
"Hindi naman, kasama din kaya namin sina Dawe at Levy." -Lynn
"May sasabihin pala kami sa'yo." sabi ni Fame, at hinigit nila ako ni Phia sa isang sulok.
"Gwapo ng jowa ng besty mo, tinalbugan si Weyn gago mo." natatawang sinabi ni Fame.
"Pero nakita mo na ba iyong kaibigan nya? Iyong si Austin, makalaglag panty din ang look nya." -Phia
"Eh kung pag kukurotin ko kaya kayo sa singit?"
"Kapag naging kami nung Austin na iyon, aayain ko kaagad sya mag pakasal, mahirap na at baka masulot pa ng iba." -Fame
"In your dreams!" -Phia
Iniwan ko nalang iyong dalawa, at nilapitan ko si Demi.
"Cous nag dala ba kayo ni Kaiya ng swimsuit?"
"Hinde, sandali lang naman kami dito."
"Oo nga, Ms. Demi."
"Ang kj talaga."
"Walang kasama sa bahay iyong mga kapatid ni Kaiya, kaya uuwi din kami."
"Mag paiwan ka nalang." -Lynn
"Oo nga, minsan ka na nga lang namin makasama." -Phia
"Ako nalang ang uuwi JanJan." -Kaiya
"Final na iyan, maiiwan ka dito at sasamahan mo kami." -Demi
***
AUSTIN~~
"5 minutes kang late huh."
"Yeah, i know. Where is she?"
"Tapatin mo nga ako, nadistract ka ba talaga ng babaeng iyon?"
"No, i need her, i need a lady."
"Sinong niloko mo? Bakit hindi nalang si Cassidy ang iuwi mo sa inyo?"
"For what?"
"Para resbakan ng lobo ang mabangis na tigre."
"Para mo na ring sinabi na mag deklara nalang ako ng world war 3."
"Tss! Hindi ba't iyon iyong gusto mong mangyari."
"No, i don't want your idea."
"So, what kind of idea ang gusto mo?"
"I want to talk her, for a job. ASAP!"
"Gusto mong i-hire ang babaeng iyon para mag panggap? Tapos ano? Babayaran mo sya?"
"Oo."
"Are you crazy?"
"Kung gusto mo, si Kai nalang para madaling kausap."
"NO!" Inis kong sagot.
"What?"
"Hwag nalang natin syang pakialaman."
"Fine."
"Kung ako ang Mom mo, gagawin ko din ang ginagawa nya sa'yo ngayon. Masyado kang mailap."
"Ayoko lang na sila ni Lolo ang nasusunod sa buhay ko. Mag papahinga lang ako sandali,i at haharapin ko na ang babaeng iyon."
"Mainlove talo! Maganda pa naman sya sa malapitan."
"Umasa ka pa!"
***
JANA~~
Palubog na ang araw, at napaka ganda ng kulay ng kalangitan. Idagdag mo pa ang sariwang hangin na humahampas sa buong katawan ko.
Nag simula na akong mag lakad dito sa may seaside ng tuluyan ng mawala ang araw. Napangiti ako ng isang bote ang makita ko, at may papel ito sa loob.
Pinulot ko ito, at binuksan. Kinuha ko ang laman nitong papel, at binuksan.
Nagulat ako sa dalawang silver na singsing na nakita, tinitigan ko ng mabuti ang papel, at may mga nakasulat dito.
'Unang t***k ng puso ko,
Sa Iyo natagpuan ito,
Wari'y sinag ng araw ang pag ibig mo,
Na nag bigay liwanag sa madilim na mundo ko.
At kung sa Iyo ay ito'y magbalik, Aking hiling na ika'y muling magbalik sa'kin.'
Tiningnan ko ang likod ng papel, nag babakasakali kase ako na baka may nakasulat pa, pero nabigo ako.
Tiningnan ko ng mabuti ang dalawang singsing, at nakita ko ang dalawang initial.
"A.K"
"Ms. Jana! Ay mali! JanJan pala. JanJan uuwi na ako." Nakangiti nyang sinabi.
"Sige."
"Ms. Janna..." sambit ni Kaiya, habang nakatingin sya sa mga hawak ko.
Ang kaninang maaliwalas nyang ngiti, ay napalitan ng kalungkotan.
"Napulot ko lang ito ngayon lang. Gusto mo bang tingnan ng mas mabuti?"
"H-Ha? Hindi na, uuwi na ako. Baka kase nandun na sina Lola."
"Ganun ba, mag iingat ka."
Bumalik na ako sa cottage kung saan abala silang lahat para sa hapunan. Itinago ko na din muna sa bag ko ang boteng napulot ko.
"May maitutulong ba ako?" Tanong ko.
"Samahan mo nalang akong bumili ng sauce para sa barbecue, naubos na kase." -Alex
"Ano iyan? May third party na kaagad?" -Demi
"Gaga ka!" Inis kong sinabi.
"Wala namang masama sa sinabi ni Pareng Alex, kaya hwag ka ngang issue dyan." -Levy
"Yeah, favorite mo talagang inisin ang pinsan mo nu? Sige na bumili na kayo." -Leera
"Sige, sweetie. Babalik kaagad kami." At hinalikan nya si Leera sa ulo nito.
Well, sweet sya... Sana may isang tao din nagagawa sa'kin nan. Nakakainggit kase.
Nag lakad lang kami ni Alex, dahil may malapit lang naman na convenience store dito.
At ang buong akala ko na sa convenience store kami pupunta, ay isang maling akala lang pala.
"Bakit dito tayo nag punta sa Preston hotel?" Kunot noo kong tanong.
"Basta, sumunod ka nalang sa'kin."
"Ayoko! Babalik na ako sa cottage!"
"H-Hey JanJan!" Sigaw nya.
Napahinto naman ako ng hawakan nya ako sa wrist ko.
"Kapag may nakakita sa'tin dito, baka iba ang isipin nila!" At nilingon ko na sya.
Sa ikalawang pag kakataon, nag kamali na naman ako ng akala. Hindi kase sya ang nakahawak sa wrist ko.
"Hi, Ms. Winner."
"I-Ikaw..."
"Do you remember me?"
"O-Oo, natatandaan nga kita." Nakayuko kong sagot.
"Pwede ba kitang makausap?"
Napatingin ako kay Alex na tumango lang, na parang sinasabi nya na sige lang.
"Sabi ko naman kase sa'yo na pupunta sya dito, oh paano? Maiwan ko muna kayo, at bibili lang ako."
"Sure, thanks again Alex."
"Basta iyong usapan!"
"Yeah, i know. So let's go?"
Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na nya ako, papasok ng elevator.