Chapter 02

1226 Words
SHE's POV "Nandito na po tayo Ms. Jana." Bungad sa'kin ni Kaiya, anak ng dating katulong namin. "Kaiya, JanJan nalang ang itawag mo sa'kin, at hwag na sanang Ms. Jana." "Pero, Ms. Jana." "Please, Kaiya..." "Sige na nga po Ms. Jana, ay mali!JanJan pala. Pero, parang panlalaki naman po yata iyong napili nyong nickname?" "Kaiya, hwag mo na rin akong i-po. Mag kasing-edad lang tayo." "Sige na nga po." "Kaiya!" "Wala akong sinabi." Bumaba na ako ng Van, ng makita ko ang pinsan kong Demi. "Cous!!!" At patakbo syang lumapit sa'kin. "Demi." "Ano? Nasaan na ang invitation card ko?" Natatawa nyang tanong. "As if naman na mag papakasal ako sa lalaking hindi ko naman lubos na kilala." Naiinis kong sinabi. "Bakit, hindi mo ba type si Mr. Ward? Kaya nag layas ka sa inyo?" "Hindi lang ako ready sa gustong mangyari nina Mama, at Papa! Alam mo iyon!" "Pero gwapo ba?" Binuksan ko ang bag ko, at kinuha ko dito ang isang picture. "Heto, ikaw na ang humusga." At iniabot ko sa kanya ang picture nung lalaking gustong ipakasal sa'kin nina Mama. "Oh My God! Seryoso ba sina Tita?!" "Ok naman sana sya, kaso ang kapal lang ng mukha nya para pag hintayin ako ng napakatagal sa coffeeshop ng mga magulang nya!" "Ok sya sa'yo? Pakiulit nga? Paanong naging ok para sa'yo ang baboy na ito?! At talagang makapal ang mukha nya para pag hintayin ka! Tama lang talaga ang ginawa mo na lumayas ka sa inyo. Pero bakit naman kay Kaiya mo pa naisipan na humingi ng tulong?" "Gusto ko kase nung malayo ako, at isa pa... Nangako naman si Kaiya, na hindi nya ako ituturo kayna Mama. Salamat nga pala sa pag punta mo." "Buti nalang pala, dito kami nag outing. Kaya napuntahan kaagad kita." "Naipasok ko na sa loob ang mga gamit mo JanJan." -Kaiya "Salamat..." "Kung gusto mo join ka muna sa'min, isama mo si Kaiya." "Hindi na, salamat nalang." "May malapit kayang dagat dito." "Oo nga JanJan! Iyong Preston Beach Resort ang tinutukoy ni Ms. Demi." "Oo, iyon nga. Kasama din namin si Leera Besty mo, at iyong jowa nyang si Alex. Chance mo na para kaliskisan sya, kung bakit naman kase hindi mo daw sinasagot ang message sa'yo ni Leera." "Sige, aayosin ko lang muna ang mga gamit ko. Ikaw na sana ang bahalang mag sabi kay Leera ng about sa pangalan ko." "Don't worry Cous, from now on. Hindi na ikaw si Jana Lane, ikaw na kase si JanJan Palmer." "Teka, surname ko yata iyong sinabi mo Ms. Demi." "Oo nga, simula kase ngayon kapatid mo na si Ms. Jana mo." "Ok iyan, may Big Sistah na ako." Napangiti nalang ako sa mga idea ni Demi, at tinungo ko na ang bahay nina Kaiya. Bumungad sa'kin ang dalawang batang lalaki na kapatid ni Kaiya. Kinuha ko ang plastic ng chocolates sa bag ko, at iniabot ko sa kanila iyon. "Salamat, Ate." Sabay nilang sinabi. Nginitian ko nalang sila bilang sagot. "JanJan, dito sa taas ang magiging kwarto mo, pasensya na kung hindi ito katulad nung kwarto mo sa inyo." -Kaiya "Ano ka ba, ako nga itong makikitira lang. Mag rereklamo pa ba ako?" "Eh kase naman... Hindi ka sanay sa ganitong lugar." "Kaiya..." At hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "Maraming maraming salamat sa'yo, kung wala ka... Baka kung saang lansangan na ako nag tago." "Ano ba iyan, nag drama pa talaga. Pwede bilisan nyo?" "Mauna ka na kaya, Demi. Susunod nalang kami ni Kaiya, tutal alam naman nya iyon." "Ok, fine! Siguradohin mo lang na susunod kayo Cous." "Oo naman." "Sige, aalis na ako." Inayos na kaagad namin ni Kaiya ang mga gamit ko, para makasunod na kaagad kami kay Demi. "Boys, dito nalang muna kayo ha? Babalik din kaagad kami. Kapag dumating sina Lolo at Lola na wala pa ako, sabihin nyo sinamahan ko lang si Ms. Jana sa Preston." "Sige, Ate Kai. Kami na ni Onse ang bahala dito." Nakangiting sinabi ni Seve. Nag lakad nalang kami ni Kaiya, dahil walking distance lang naman daw ang layo ng Preston Beach Resort. At nang marating na namin ito, ay nakita ko kaagad si Leera na bumibili sa isang booth. Wala syang kamalay malay na nasa likuran lang nya kami, kaya hinampas ko ng bahagya ang likuran nya. Nagulat sya sa ginawa ko kaya naman, parang mangangain ng tao ang itsura nya. "Sexy mo dyan sa two piece mo ah." Bati ko kaagad sa kanya. "Gaga! Kung may baril lang ako, baka nabaril na kita. Akala ko kung sino ng r****t eh." "Long time no see ah, nasaan na iyong magaling mong jowa?! Kailan mo ba sya ipapakilala sa'kin?" "Gaga ka talaga eh nu?! Ikaw nga itong parang kabute na bigla bigla nalang sumusulpot at nawawala, sa'yo ko nga sana sya unang ipapakilala, pero hindi ka naman mahagilap." "Sorry naman, nasaan na ba iyong lalaking iyon at hindi ka nya sinasamahan?" "Nag iihaw sya ng isda, kasama mo pala si Kaiya." "Ang totoo nan, sa kanila muna ako makikituloy. Alam mo na..." "Oo, nasabi nga ni Demi. Tara, para makakain din muna kayo." Pumunta kami sa isang cottage kung saan may isang lalaki nag aasikaso ng mga pag kain. "JanJan, si Alex boyfriend ko. Alex, si JanJan iyong bestfriend ko." Pag papakilala nya sa'kin dun sa lalaking nag iihaw. "Nice to meet you, Alex." At inilahad ko ang kanang kamay ko. "Pamilyar ka sa'kin, nag kita na ba tayo?" At kinamayan na nya ako. "Sya iyong babaeng nakakuha ng grand price sa party ni Murphy." sabat ng isang lalaki. Oo, tama! Ang Alex na ito iyong nag count at nag on ng ilaw. Tumalikod ako sa kanila, para itago ang pag mumukha ko. "Grand price? Nanalo si JanJan ng grand price?" -Leera "Yup, Sweetie." "Kapag sinuswerte nga naman sya." Patuloy nung lalaki. "Hoy! Kayong dalawa? Ano't nakatalikod kayo?" "Nauna po akong tumalikod kay JanJan, Ms. Leera." Napatingin ako kay Kaiya na katabi ko, kaya naman sinulyapan ko na ulit iyong lalaki kanina. Napansin kong nakatitig sya kay Kaiya na kasalukuyang nakapikit ng madiin ang mga mata na akala mo'y nasa piligro ang buhay, at mataimtim na nag dadasal. "Austin, tatawagan mo ba sya?" "Yeah, I'm bored! So i need a pal." At ibinaling na nya kay Alex ang tingin nya. So, Austin pala ang pangalan nya. "Babalik na ako sa hotel, mag luto ka pa ng barbecue at pakainin mo sila ng marami, enjoy." At umalis na sya. Binalingan ko ulit ng tingin si Kaiya, pero wala na sya sa tabi ko. Nasa tabi na kase sya ni Alex, habang kumakain ng barbecue. "JanJan, tikman mo! Ang sarap ng timpla nila." Nag kibit balikat nalang ako, at tinikman ko na rin ang barbecue nila. "Kaibigan ka rin ba ni Murphy?" Pauna kong tanong kay Alex habang kumakain ako. "Siguro? Pero second cousin ni Austin si Shina, kaya naman invited kami sa party nila noon. Ikaw ba? Friend mo ba si Murphy d boy?" "Oo, ininvite nya ako..." Mahina kong sinabi, at naalala ko na naman iyong grand price kuno nila. "Ano ba iyong grand price na pinag uusapan nyo ni Austin?" -Leera "Isa iyong Box na punong puno ng mga chocolates." Pag sisinungaling ko. "Oo, isa nga iyong Box na punong puno ng mga MATATAMIS na chocolates." Nakangiting sinabi ni Alex, na para bang nang aasar. "I see..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD