Chapter 05

1113 Words
Nasa lamay kami ngayon, at kasama ko si Kaiya na pinag suot ko ng black dress, sunglasses, at itim na bowler. Ayoko kase na makilala sya ng ina nina Austin. Wala akong pakialam kung may makakilala man sa'kin, at may mag sabi sa mga magulang ko, kung nasaan ako. Ang mahalaga lang sa'kin ngayon ay makita ni Kaiya ang taong mahal nya. "Condolence..." Mahinang sinabi ko kay Austin na nakatayo lang sa tabi ng kabaong ni Arsen. Kasalukuyan kase naming tinitingnan ni Kaiya ang mukha ni Arsen. "Salamat." basag ang boses nya ng sabihin nya iyon. Hinigit ko na si Kaiya, bago pa man sya tuluyang bumigay sa pag iyak. "Sandali lang." Boses ng isang babae, habang hawak hawak nya ang kanang braso ko. Nilingon ko sya, at napagtanto ko na sya iyong ginang na kumakaripas ng takbo kahapon sa hospital, papunta sa room ni Arsen. I think, sya ang ina ng kambal. Kaya sinenyasan ko nalang si Kaiya na mauna na sa labas. "I don't know, kung kilala mo ako or nakita mo na ako." "Sa hospital po." Sagot ko. "Right, but i think hindi iyon ang unang beses na nakita kita." "Siguro po... Baka nakasalubong nyo na ako sa kung saan, gaya po noong sa hospital." "Kilala mo ba sya, Amanda?" Sabat ng magandang ginang na ina ng fake boyfriend ko. "Oo, tama. Sa hospital din iyon, ikaw iyong anak ni Director Lane. Jana Lane, right?" "Is that true, Amanda? Sya ba talaga iyong anak ni Jean?" Gulat na gulat na tanong ng ina ni Shion. "Oo." "Hey! Anong ginagawa mo dito?!" Masungit na tanong ng kaboteng si Shion. "Masama ba na pumunta ako dito? Para makiramay?" "Hinde, pero sana naman nag sasabi ka dahil nandito ang nanay kong bruha." Bulong nya na may matinding pag kainis sa boses nya. "Hwag mo ngang ginaganyan ang future daughter in law ko, Shion!" Sigaw ng ina ni Shion, na para bang naagaw sa atensyon ng lahat. Para naman kaming ewan na nag katinginan lang ni Shion. "I-Ihatid ko lang po muna sya sa kanila." -Shion "Sige po, Tita mauna na po kami. Condolence po ulit." "Shion anak, ingatan mo sya!" Pahabol na sigaw ng mama nya. --- "Nasaan na si Kaiya?" Tanong ko ng makalabas kami ng gate. "I don't know, bakit sa'kin mo itinatanong?" "Hindi ako pwedeng umuwi ng hindi sya kasama." "So, hintayin mo siya dito." "Pero ihahatid mo ba talaga ako? Kami ni Kaiya?" "I will think about it." "Kahit hwag na?!" "Ok, and my final answer is NO!" He said while grinning. "Tss!" "Ano nga pala ang sinabi mo sa bruha kong ina, at bigla syang bumait sa'yo?" "Wala naman, baka narealize lang nya na maganda din pala ako." "In your dreams." "Tss! Hindi ba pwedeng sumang ayon ka nalang?" "I don't want." "Pero... Para saan ba ang pag papanggap natin?" "For my father." "Bakit?" "Follow the rule #4." "Ok, ikaw ang bahala." At katahimikan na ang namagitan sa'ming dalawa. "Siguro... Hahanapin ko nalang si Kaiya sa loob." Paalis na sana ako ng bigla nyang hawakan ang kanang kamay ko, at higitin. Niyakap nya ako, habang hinahaplos nya ang may kahabaan kong buhok. "Pinsan, sino na naman iyang kayakap mo dyan sa dilim?" Natatawang sinabi ng isang lalaki. "SHION!" Ma-autoridad na boses ng isa pang lalaki. "Hi, Dad." "Tarana na po sa loob, Tito Carl Bago pa po kayo mahigh-blood dyan kay Shion." "Hindi pa tayo tapos SHION!" "Of course yes, Dad. I-guide mo ng mabuti si Dad, Choychoy." Boses nya na para bang nang aasar. "You're an i***t, Shion!" "Fatty fattie Piggy!." "Crazy Shion!" "He so very funny." Natatawa nyang sinabi. Unti unti namang lumuwag ang pag kakayakap nya sa'kin, kaya tiningnan ko kaagad iyong mga kinausap nya na kakapasok lang ng gate. Bumaling ako ng tingin kay Shion, at ngayon ko lang sya unang nakitang tumawa. "Why? Why are you looking at me?" "W-Wala naman. Maiwan na kita." At nilayasan ko na sya. Bumalik ako sa loob, at nakita ko si Alex na umiinom ng kape. "Oh? Nandito ka pala, pinapunta ka ba ni Shion?" "Hinde, hinahanap ko si Kaiya, nakasuot sya ng black dress, sunglasses at itim na bowler." "Parang may napansin nga akong babaeng nakabowler kanina." "Umalis na, kasama sya ni Kuya Austin sakay ng kotse nya." Sabi ng isang highschooler na babae. Sa pag kakatanda ko sya si Carlie Ward, nakita ko kase iyong suot nyang id kahapon sa hospital. Kaanu ano nga kaya nya si Casper Ward na balak ipakasal sa'kin nina Mama? Anyway saka ko na poproblemahin iyon. "Salamat, maiwan ko na kayo." "Girlfriend ka ba talaga ni Kuya Shion?" -Carlie Napahinto ako sa pag lalakad, at nilingon ko sya. "O-Oo..." Sagot ko nalang. "Ikakasal na ang Kuya Shion ko sa ibang babae. Kaya sana... Lumayo nalang kayo, ilayo mo ang kuya ko kung mahal mo talaga sya, at ayaw mo syang mawala sa'yo!" "Carlie..." -Alex "Ayokong matulad si Kuya Shion, kay Kuya Arsen!" --- "AYSUS MARYOSEP JUICE KO PO!IKAW NA BATA KA!!!" sigaw ni Lola Sally ng makita nya ang bagong gising na si Kaiya. "Bakit mukang Zombie si Ate Kai, Onse?" "Baka kinulam na sya ng salbaheng bruha." Nag kibit balikat nalang ako, at itunuloy ko nalang ang pag kain ko. *** DEMI~~ "Hi Tita, Good morning po." At hinalikan ko si Tita Jean sa pisngi nya. "Nakatulog ka ba ng mahimbing?" "Opo, pero mas makakatulog po talaga ako ng mas mahimbing pa kung katabi ko si Jana." "Uuwi din ang batang iyon." "May balita na po ba sa kanya?" Patay malisya kong tanong, kahit alam ko naman kung nasaan talaga ang pinsan kong iyon. "Maupo ka muna, at sabayan mo kaming kumain." Sinunod ko naman si Tita, at binalingan ko ng tingin ang babaeng katabi nya. "Talaga bang nakita mo silang mag kasama?" Na eexcite na tanong ni Tita. Kinuha ko ang isang baso ng juice at ininom ito. "Of course, kahit ako hindi makapaniwala na mag on na sila ng Casper ko!" "Uhum! Uhum!" "Ok ka lang Demi?" Nag aalalang tanong ni Tita. "Ehem! O-Ok lang po ako Tita, medyo nangati lang ang lalamunan ko." Palusot ko. Nasamid kase ako dahil sa sinabi nung babae. So, Casper pala ang pangalan nung mapapangasawa ni Pinsan, at ang babaeng ito ang future mother in law nya? Pero bakit kailangang mag sinungaling ng babaeng ito? Never kayang magugustohan ni Jana ang tabachoy na iyon! "Kung ganun, hindi nalang muna natin sila bibiglain. Hayaan nalang muna natin sila na mas mahalin pa nila ang isa't isa. Habang inihahanda natin ang lahat para sa kasal nila." Masayang masayang sinabi ni Tita. Kawawa talaga ang pinsan ko, makakapag asawa sya ng oink oink. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD