Mabilis dumaan ang mga araw nalalapit na ang kanilang graduation sobrang naeexcite si roan sa wakas makakamit na rin niya ang makapagtapos ng pagaaral para sa pangarap niyang makaahon sa kahirapan walang pagsidlan sa tuwa ang kanyang nararamdaman makakahanap na din siya ng trabaho hindi na mahihirapan sila nanay at tatay na magtrabaho para sakanya , abala siya sa pag iisip ng kung ano ano ng biglang may umupo sa tabi niya ang kanyang bestie na si rebecca " oh beks San ka galing ? " tanong ko sakanya
" sa baba ng building may pinuntahan lang "
" sino ?"balik tanong ko .
" ahh nakiusap kasi si macoi sakin kung pwede ka ba raw makausap " napatitig ako sa aking kaibigan bakas sa mukha ko ang pagtataka hindi ko na lang sinagot ang pakiusap nito ibinaling ko ang tingin ko sa ibang direksiyon para hindi ko na ulit marinig ang sasabihin ni becca hinayaan ko na lang siya , tumahimik naman ang aking kaibigan , ano kayang meron at gusto ako makausap ni macoi pagkatapos ng ilang linggo ng mangyari sa may bar kinaiinisan ko pa rin siya ,pero sige para matapos na kakakulit niya sakin tatapatin ko na rin siya kung sakaling may sasabihin siyang iba , pag assume ko sa aking sarili , natigil lang aking pagguni guni ng tawagin ako ni becca upang lumabas na sa room at umuwi na
" Bes ,tara na " pagtawag sakin ni becca inayos ko n ang aking gamit at agad nang tumayo sa upuan binabagtas na namin ang koridor pababa na sa hagdan ng matamaan ko si macoi nagaantay sa may baba , napabuntong hininga na lang ako upang i- ready ang aking sarili na makausap ang binata, nagkunwari akong walang napansin diretso lang ang aking tingin sakto ng huminto sa tapat niya ng magsalita si macoi " roan pwede ba kitang makausap" tumingin lang ako sakanya at nabaling din ang tingin ko kay becca na may pahiwatig .
" sige bes mauna na akong umuwi , magchat ka maya pag nakauwi kana "
tumango ako at nagbeso pa sakanya natanawan ko na lang na papunta na sa gate si becca ng magsalita si macoi " roan saan mo gusto ? " tanong nito
" pwede naman dito diba ? "
"ano Kasi ? "napakamot pa siya sa ulo " medyo importante lang "
"ok sige sa may cafee na lang malapit " sagot ko .
ngumiti si macoi ng pagkalapad di ko alam kung anong nagpapasaya sa kanya ngayon ayuko mag assume wala ito sa plano ko .
Nauna nang naglakad si macoi palabas sa gate at dumiretso na malapit sa may cafee ipinaghila niya ako ng upuan at naupo na kami umorder siya ng caffee latte at slice ng cake nakatitig lang ako sa may cake tumikhim si macoi
" hindi ka ba kakain muna" pagtatanong sa akin ng binata , umiling lang ako at uminom ng caffee na inorder nito .
" may sasabihin ka diba , pwede bang sabihin mo na lang para makauwi na ako "
napabuntong hininga na lang si macoi at agad ibinaba ang kanyang kutsara , ako na naman ay yumuko para hindi magtama ang aming mga mata dahil andito pa rin sa pakiramdam ko ang pagkailang sakanya .
" gustong kong magtapat ng nararamdaman sayo roan , maaari ba kitang ligawan ? "
napaangat ang aking mukha kay macoi medyo nagulat sa tahasang sinabi nito pero expected ko na rin to gayong alam ko mulat sa umpisa ang paramdam ng binata sakanya bakas sa mukha ni macoi ang pagka seryoso , nginitian ko lang ito dahil di ko alam Kong anong tamang sasabihin ko dahil kanina lang ay naisip ko na kung anong sasabihin ko saknya pero bakit ngayon tila nawala lahat yon sa utak ko gayong ang gwapong mukha ni macoi ang kanyang nasisilayan , yung t***k ng puso ko parang hindi normal bakit ganito ang kanyang nararamdaman ? . tila natauhan lang siya sa pag guni guni ng magsalita ulit ang nasa harap ko .
" ro okay ka lang ba ?" tanong nito sakanya tumango lang ako at tumingin ng deretso wala ito sa plano ko kaya habang maaga pa ay utak na ang kaniyang paiiralin dahil bata pa siya at marami pa siyang gusto sa buhay
" Sorry macoi , pero wala pa buhay ko ang pumasok sa isang relasyon " sabay yuko para hindi ko makita kung ano magiging reaksiyon niya sa sinabi ko
" Okay lang handa akong maghintay " dugtong pa nito hindi ako umimik sakniyang sinabi pero wala na kong dapat patagalin sa oras na to dahil gusto ko ng umuwi hindi ko na kinakaya ang presensiya niya " ayuko macoi , wag kang nang umasa , hindi Ikaw ang gusto ko makasama " sabay tayo upang makalabas na sa loob ng cafeteria walang lingon deretsong lakad palabas dahil ayaw ko makita o kaawaan ang magiging itsura ni macoi sobrang exage naman kasi nasabi niya pero wala na akong maisip , nababalanko ako sa tuwing tumitingin siya saakin .
Naiwang tulala si macoi sa loob ng cafeteria alam kong mangyayari na ito pero sinubukan ko lang naman nagbabakasakaling may pag asa pa sa dalaga isang nagpagpasiyahan niyang desisyon ang tanggapin ang inaalok ng kaniyang ama kahit bago pa lang silang magkakilala laylay ang balikat na lumabas ng establishemento , masakit ang una niyang karanasan sa pagibig .