Napabangon ako agad sa tunog ng aking alarm clock , ganito na routine ko araw araw simula ng grumaduate at nakahanap ako ng trabaho limang taon na ang nakakalipas ibang iba na ang pamumuhay nila ng kanyang nanay Rita at tatay Ricardo Hindi ko masasabing mayaman kami pero kahit paano nakaraos at may sapat na pera sa pang araw araw yung tipong hindi na kinakapos tulad ng dati . Lumipat na rin kami ng tirahan dahil malaki na rin naman ang kinikita ko sa isang bagong nilipatan Kong kumpanya bilang secretary kaya kahit paano gumagaan ang aming pamumuhay may mga ipon na rin naman ako simula ng umalis ako sa ibang kumpanya ,
bumaba na ako sa aking kwarto at inumpisahan ko nang iligpit ang aking hinigaan pagkatapos ay dumiretso ng banyo upang maghilamos at mag toothbrush na rin paglabas ko ng Cr ay agad Kong hinanap si nanay nakita ko itong magluluto sa kusina.
Napayakap Ako sa aking inay dahilan upang magulat ito at mabitawan ang sandok .
" Ay Bata ka , bat ka naman nanggugulat ".
" Nay , hindi na po ako bata " sabay tawa ko
" ou alam ko yon pero Ikaw pa rin baby ko at prinsesa "
nagkatawanan na Lang kami ni nanay .
" Oh siya ! kumain ka na at mahuhuli ka sa trabaho mo"
" sige po ". umupo na ako sa aming upuan at ipinaghain na ako ng aking inay ng pagkain ganito niya ako kamahal inaasikaso hanggang ngayon na may trabaho ako, kaya ko naman kumilos pero mas gusto niya pa rin akong pagsilbihan . Sobrang pasasalamat ko sakanila ni tatay kung di dahil sakanila hindi ako makakapagtapos ng pag aaral at hindi makakahanap ng magandang trabaho kaya hanggat kaya ko susuklian ko ang paghihirap nila noon at ginagawa ko na ngayon ang bumawi sakanila .
Papasok na ako sa gusali kung saang kumpanya ako nagtatrabaho , naglalakad na ako ng may naririnig akong nagbubulong bulungan di ko marinig kung ano sinasabi nila kung kayat dumiretso na ako ng lakad papunta sa elevator pumasok na ako at kasabay ng mga iba ko pang kasamahan ng biglang magsalita ang isang babae mula sa ibang departamento ,
" Balita ko parating daw ang anak ng ating Boss " sabay nabigla ang iba pa namen Kasama sa elevator Kasama na ako doon , napaisip ako akala ko matandang binata yon pero bakit biglaang nagkaroon ng anak ' hindi ko madalas makita ang boss namen kasi laging out of town ito pero isang beses ko makita siya nung nagpasa ako ng files sakanya ,Kasi ako ang sekretarya niya the rest sa kanyang Kapatid na ako nagpapasa simula ng pumalit ito sakanya sakadahilanang dalawang buwan itong nawala dahil may aasikasuhin daw ito sa France .
Hindi ko na narinig ang ibang usapan ng aking kasamahan dahil bumukas na ang pinto ng elevator kanya kanya na kami ng labas at deretso sa mga departamento , binuksan ko na ang pinto ng aking opisina dahil karugtong nito ang opisina ng presidente
hindi naman ako late pero bat parang kinabahan ako naaninag ko nang may tao sa loob ng opisina ng aking Boss imposibleng kapatid niya to Kilala ko kung dumating sI Mr. Matt lagi akong nauuna sakanya .
Inilapag ko na ang aking bag sa aking upuan at dumiretso na sa pintuan ng opisina ng aking Boss huminga muna ako ng malalim sabay katok sa pinto .
" come in " isang baritonong boses ang narinig ko kinilabutan ako pero hindi ako nagpahalata binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang lalaking nakatalikod na nakaupo sa swivel chair nito .
" Good morning Mr . Montecillo , dumating na po Pala kayo galing France ". nakangiti kong binati ang aking Boss . ilang Segundo pa ang lumipas ng humarap ito sa akin , biglang huminto ang aking paligid ng makilala ko kung sino ang lalaking nakaupo . Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon gusto ko na lang magpalamon sa lupa it's been 5 yrs ng huli kong makita ang tao na ito hindi ang aking boss kung hindi si macoi nakatitig lang ito saakin at hindi nagsasalita , Oh ! My roanna bakit ganito siya kung tumingin ibang iba na itsura niya kaysa sa dati ang tindig ng pangangatawan lalo itong gumwapo sa suot nitong americana suit , ito ba yung anak na sinasabi ng nakasabayan ko sa elevator , bakit ? At paano nangyari
umikot ang mata ko at napadako sa nakasulat sa kahoy na nakaukit ang pangalang Denmark Montecillo at sa ilalim nito nakasulat ang CEO ,anak nga siya ng aming Boss parehas ng apelyido , paanong nangyari yon Fernandez ang lagi niyang ginagamit noon , bumalik lahat lahat ng nakaraan ko kung paano ko lahat tinanggihan at iwasan ang binata .
Tumikhim ito at nawala na ako sa pag iisip sa pag alala ng mga nakaraan , agad akong napatingin sa mukha nito nagtama ang aming mga mata na para akong natutunaw , para akong lalagnatin sa pakiramdam ko parang di ko na kayang tumagal na makasama siya ,
"You're late " sambit nito .
Sa wakas nagsalita na rin siya kahit paano nawala ang tension sa aming dalawa , napakunot noo ako dahil nakakapagtaka 8 pa ang in namen paano niya nasasabing late ako ng dumating Ako 7:45 pa lang .
" Ah sir before 8 po ako dumating kaya hindi po ako late" naginginig pa ang kamay ko habang binabanggit ang mga katagang iyon .
Tumayo ito at naglakad ng ilang hakbang papunta sa akin tiningnan na naman niya ako ulit sa paraang katulad kanina na parang matutunaw na ako .
G ' anong gagawin ko ? tanong ko sa sarili ko .
"I don't want to waste time, my policy is to be here before 7:30" .
aba malay ko sabi ng isip ko , napapikit ako sa mga salitang binitawan niya hindi naman siya sumigaw pero may kalakasan ang kanyang boses , iminulat ko ang aking mga mata nagulat ako ng nasa harapan ko na ang mukha nito ,grabe naman damuhong ito ang aga ko na nga 7:30 pa ang nais . Oh My ang aga ko maiistress sambit ng isip ko plus naamoy ko pa ang kanyang hininga my G ' ang bango .
" next time come in early, and if you come in you should have bring coffee . It's that clear ? dugtong pa nito halos di ko na makilala si macoi ngayon hindi na siya tulad ng dati na mabait at malumanay kung magsalita yung ngayon parang dragon na kung umasta .
" And by the way what is your name ?" napatigil ako sa aking kinatatayuan parang may tumarak sa puso ko ganon na ba talaga galit niya sakin pati pangalan ko nakalimutan na niya parang sumisikip dibdib ko pero hindi ko na lang pinahalata o baka nagkaroon lang din siya ng amnesia kung totoo man sana hindi na niya maalala yung ginawa ko dati hays '
" I'm Roanna De Cahvez , sir " sagot ko sakanya .
" Okay , go back to your seat and do what your works "
tumango lang ako at bumuntong hininga sabay talikod at hakbang papunta sa pintuan , pagkalabas ko deretso agad ako sa aking upuan ngayon ko lang naramdaman panginginig ng tuhod ko , G' tulungan mo ko ngayong araw na to na matapos ang trabaho ko . Dalangin ko sa aking isipan napabuntong hininga n alang ako at nakitang pumasok na si sir Matt Ang kapatid ni Mr. Montecillo ang tatay ni macoi , hindi ko na magawang batiin dahil nagmamadali itong pumasok sa opisina ng damuhong dragon . Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa aking ginagawa ..