Chapter 4

1709 Words
NAKAHIGA na ako sa aming upuan sa sala ng pumasok ang aking nanay Rita mula paglalabada may dala itong ulam para ata sa hapunan nila "Oh anak maaga ata ang uwi mo ngayon? tanong niya "Cancelled po Yung next exam namin nay may emergency meeting daw po " tumango lang ang aking inay at dumiretso na sa kusina habang ako ay nag iscroll sa aking f*******: nang biglang nagchat si becca saakin agad Kong binuksan at binasa " ro , may gagawin ka ba mamaya ?" tanong ng kaniyang kaibigan . "Wala naman , bakit ? " Reply ko sakanya "nagyaya si kat labas daw tayo early celebration para sa graduation natin " "tutal ngayon lang naman bakante natin , ano G ? dugtong pa nito , hindi ko alam kung ano ang irereply ko nagdadalawang isip pa ako pero sa huli ay napapayagan din ako at nireplayan ko na lang si becca " wait beks , paalam muna ko kay nanay siya lang Kasi maiiwan dito sa bahay Wala pa si tatay " agad rin akong tumayo at nagpunta sa kusina naabutan ko ng naghihiwa si nanay ng mga rekados para sa kanyang lulutuin humarap ito sakanya at muntik pang mabitawan ang kutsilyong hawak nito " Susmaryosep kang bata ka bakit andyan ka at nanggugulat pa " lintanya ni nanay , tumawa ako ng malakas dahil sa reaksyon nito wala naman akong balak gulatin si nanay kaya lang biglaan ang kaniyang pagharap kaya ganon na lang ang gulat nito " Nay , magpaalam po sana ako mamaya aalis muna nagyaya lang po si becca at kat " sabi ko sakanya " Ay ayun lang ba , okay sige basta umuwi agad wag masyado magpagabi at mag aalala ang tatay mo " sagot ni nanay " opo nay " agad akong lumabas sa kusina upang magreply Kay becca na sasama ako nagreply naman ang bruha at tuwang tuwa base sakanyang chat bihira lang Kasi ako pumayag sa tuwing yayain nila akong lumabas agad akong nagpunta sa kwarto at nahiga muna sabi kasi ng kanyang kaibigan mga 5:3o daw kami magkita sa labasan ng aming highway kaya't may isang oras pa ako para mag ayos hindi ko alam kung saan kami pupunta at wala naman sinabi ang kaniyang kaibigan Kaya ang napili kong susuotin ay isang croptop na color pink at high waist short pwede na siguro to nilapag ko sa kama at nagsimula ng kumuha ng aking towel para sa pagligo pumasok na ako sa banyo nang matapos na akong maligo ay nagbihis na ako at pinatuyo ko ang aking buhok gamit ang blower naglagay lang ako Ng face powder at nagliptint lang kinulot ko na rin ang ibabang buhok ko para maiba naman " okay na siguro ito " sambit ko sa aking sarili Kinuha ko na ang aking mini bag at nilagay ang aking wallet at cellphone nagtungo na ako sa aming kusina upang magpaalam na kay nanay " nay , aalis na po ako " tumingin lang siya sa akin " napakaganda naman dalaga ko , Oh siya magiingat ka sa pupuntahan niyo" habilin ni nanay bago ako tuluyang umalis sa bahay sumakay na ako sa tricycle at nagpahatid na sa labasan hindi pa man ako nakakababa ay natatanaw ko na ang aking kaibigan at si kat na kasama nito , si kat ay kabatchmate namen at naging kaibigan rin namen ni becca pero ibang kurso ang kinuha nito kaya hindi namin madalas makasama bumaba na ako ng tricycle at nagbayad na naglakad na ako para puntahan ang dalawang kong kaibigan napatingin ako sa suot Ng aking mga kasama na mini skirt at tube lang si kat while becca she's wearing a short and backless taray ng mga freeny ko parang di takot sa pneumonia napatawa na lng ako sa aking sarili "hi roan , long time no look " bati ni kat " hello kat , kamusta ? " tanong ko sakanya " okay lang naman , ito wala pa rin jowa hahaha" nagtawanan naman kami ni becca " Let's go , para makarating na tayo inaantay na tayo ni chelsea " napatingin ako kay kat sa sinabi nito kung sino ang tinutukoy na nagaantay , kung hindi ako nagkakamali ito yung chelsea na girlfriend ni David na classmate ni kat pero ang pinagtaka ko bakit wala man lang sinabi sakanya si becca na agad akong napalingon sa kaibigan ko , ngiti lang ibinalik nito mukhang nagoyo ako ng kaibigan ko mukhang planado niya talaga ang hindi sabihin saakin sumakay na kaming tatlo sa taxi at binaybay na ang daang pupuntahan namin " sana wala doon ang taong ayaw kong makita " sa isip ko . posibilidad kaya yon andon siya kasi kabarkada niya boyfriend ni chelsea" kastigo naman ng kabilang isip niy, napabuntong hininga na lng ako bahala na ! ito na lng ang tanging nasambit niya gawa ng kinakabahan siya , huminto ang taxi sa gusaling alam ko na base sa itsura nito sa labas pumasok na kami at nakita ko ang mga babaeng ang seseksi ng suot kaya ganon na lang pala ang suot ng mga kaibigan niya , sa may bandang gilid andoon ang isang grupo na halatang mga lasing na napahawak ako sa braso ni becca "relax ka lang " Sabi ni becca, andito sila sa isang mini bar hindi naman ako ignorante para hindi malaman kung anong ginagawa nila dito , malamang sa malamang magwawalwal ang kaniyang mga kaibigan nagpunta na kami sa isang gilid sa may sofa at andito nga nagaantay si chelsea siya lang magisa hawak ang kopita nauna na pala itong uminom nang makalapit na kami ay agad kaming pinaupo pero si kat ay nagpaalam muna mag - cr. " hi roan , buti sumama ka ? " tanong nito " pinagbigyan ko lang si becca , minsan lang naman " sagot ko sakanya , " siya nga naman , malapit na tayo grumaduate baka sa susunod magiging busy na rin tayo " segunda pa nito tumango na lang ako bilang pag sang-ayon sa sakanyang sinabi hindi pa man nag iinit ang aking puw*t nang may biglang tumawag sa pangalan ni chelsea " babe , chelsea !" napalingon lahat kami sa pinaggalingan ng boses parang pamilyar saakin hindi nga ako nagkamali at si david iyon nabaling ang tingin ko sa kasama nito , nanlaki ang mata ko at ikinagulat ko dahil yung taong iniiwasan ko ay makakasama ko pa ngayong gabi walang iba kundi si macoi " oh babe , come here" lumapit si david , mon at macoi sakanilang pwesto " hi mon and macoi , sit down " pagbati ni chelsea umupo naman ang tatlo at nagtawag ng waiter si david para sakanilang iinumin sakto naman ang dating ni kat galing cr " andito na pala mga boys , umpisahan na ang party" hindi ako umiimik sakadahilanang naiilang ako sa titig ni macoi simula ng umupo sila hindi na naaalis ang tingin nito sakanya mawawala lang saglit pag kinakausap lang ito ng mga kaibigan nito. nakakarami na ng inom ang mga kaibigan niya subali't siya ay hndi pa nauubos ang isang baso hindi naman kasi ako palainom at alam yon ni becca napadako ang tingin ko sa pwesto ni macoi at nahuli ko pang nakatingin ito sakanya , nang magulat ako sa tugtog na malakas nagbawi ako agad ng tingin at narinig kong nagsalita si chelsea " tara guys sayaw tayo " napapaindak pa , agad tumayo ito at pumunta na sa dancefloor sumunod din si david , mon at kat akmang tatayo si becca ng lumingon saakin nag-alangan siyang iwanan ako pero hindi ko naman pinigilan pa at pinayagan ko na siya " sige na beks , okay lang ako " napatingin ako kay macoi na titig na titig pa rin . " sure ka ? " tanong nito tumango lang ako bilang pag sang-ayon dito tumayo na ito at dumiretso na sa dancefloor kasama ang mga ibang pang kasama nila yumuko na lang ako at nilaro ang aking mga daliri para maibsan ang aking kaba pero hindi pa ako nakuntento at nilagok ko na ang natirang alak sa baso ko at nagsalin pa ako ulit at nilagok ko ulit ito pakiramdam ko nag-init na ang aking mukha sa sobrang tapang kasi ng alak nakaramdam na din ako ng hilo magsasalin sana ako ng alak sa baso ng agawin ni macoi ang bote ng alak sabay sabing " hindi ko pala alam na ganyan ka katindi uminom " napalingon ako sa kanya na ikinabigla ko kasi muntikan ko ng mahalikan sa labi si macoi kung hindi lang din ako agad nagiwas ng tingin " para ano ? makahanap ka dito ng mayamang tao " Dugtong pa nito . nagpanting ang aking tenga sa sinabi nito at agad ko itong nasampal hindi ko alam kung lasing ba ito o sersoyo ito nabigla ako sa nagawa ko pero hindi ko matanggap na pagsalitaan niya ako " wala Kang karapatan sabihan Yan Kasi Wala Kang alam sa buhay ko " sagot ko sakanya na hawak pa rin nito ang pisnging nasampal ko agad akong tumayo at kinuha ang aking bag , lilisanin ko na ang lugar na ito bago pa man din akong mawalan ng ulirat dahil nakakaramdam na ako ng hilo ,di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko sobra akong nasaktan sa sinabi nito ito ba ang ganti niya sa mga hindi ko pag payag sa tuwing yayain niya akong lumabas grabe pala ang tingin niya saakin , pumara ako ng taxi at agad nang sumakay nagpahatid ako sa bahay pagkababa ko sa taxi buti na lang bukas ang aming gate tumingin ako sa relo ko mag alas nuebe na pala ng gabi pinunasan ko muna ang aking mukha bago pumasok sa bahay , nadatnan ko pa si nanay na nanunuod ng t.v agad akong nagmano upang malaman ni nanay na umuwi na ako " oh anak , kumain kana dyan " "mamaya na po nay, busog pa po ako " nilagpasan ko na si nanay at agad ng tinungo ang aking kwarto , walang kaabog abog akong dumapa at kinuha ang unan doon ko iniyak lahat ng sakit na naramdaman ko kanina hanggang sa nakatulugan ko na lang ang pag -iyak .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD