NAIWANG tigagal si macoi sakanyang kinauupuan hawak pa rin ang pisnging nasampal ni roan , tsaka lang siya natauhan ng bumalik na ang mga kasama nila at narinig niya pang nagsalita si becca
" kapagod sumayaw , asan si roan macoi ?"
tanong niya hindi ako sumagot bagkus tumingin lang ako sakanya kasi walang lumalabas na salita mula sa aking bibig ayuko pang malaman nila ako ang dahilan ng pag alis ng dalaga dahil hindi ako tatantanan ng kakatanong kung bakit umalis si roan , tumayo ako at nagpaalam na sa mga kaibigan ko dahil napagpasiyahan kong umalis at umuwi na lang hindi na rin maganda ang kanyang pakiramdam bumigat ito hindi dahil sa sampal ni roan kundi dahil sa mga salitang binatawan ko sa dalaga nadala lang ako sa galit dahil hindi ko sukat akalain na hindi siya papayag sa paanyaya Kong lumabas kami samantalang dito ko pala siya makikita sa ganitong lugar pero alam kong mali ang mga katagang binitawan ko " sana mapatawad niya pa ako " sambit niya sakanyang sarili nang makauwi na sa bahay ay agad siyang pumunta sa banyo at doon hinayaan ang sariling magbabad sa tubig kahit paano sa ganitong paraan mabawasan man lang ang bigat ng kanyang nararamdaman.
KINABUKASAN hindi pumasok si macoi dahil na rin sa nahihiya siya humarap sa dalaga hanggang ngayon ay nakahiga pa rin siya sa kama ng may kumatok sa kanyang kwarto si tita Arlene pala
" macoi hndi ka ba papasok ? anong oras na Hindi ka pa ba babangon dyan ? tanong nito
tumayo na lang ako sa kama para hindi na mangulit pa si tita ay pinagbuksan ko na lang ng pinto bakas sa mukha ni tita ang pag aalala tiningnan ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay kinapa ang aking noo
" May sakit ka ba ? anong nararamdaman mo ? "
di mapakaling tanong ni tita daig ko pa ang baby sa tindi ng pagaalala niya ngumiti lang ako sakanya
" ayos lang po ako ta , wala naman po akong sakit "
" ganon ba bakit hindi ka papasok ngayon ?
umiiling lang ako dahil ayukong ikwento kay tita ang nangyari saamin ni roan paniguradong pagagalitan ako nito napabuntong hininga na lang si tita tanda na hindi na ito mangungulit pa tumalikod na ito pero bago tuluyang umalis ay nagsalita muna
" Kumain ka na lang dyan nakapagluto nako ng almusal may pupuntahan lang ako " pahabol pa nito
" Opo ta " tipid Kong sagot sakanya
tuluyan ng nawala sa paningin ni macoi ang kanyang tita arlene sinarado ko na ulit ang pinto nang biglang
tumunog ang kanyang cellphone may nagchat
si mon " hey , what's up bro ? where are you ? " tanong nito
nagtataka na siguro sila kung bakit wala pa ako nasanay kasi silang maaaga ako pumapasok hindi ko na lang pinansin at nireplayan ang chat ni mon nagtungo nako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush pagkatapos lumabas na ako ng aking kwarto at kumain na muna pagkatapos ko kumain ay hinugasan ko mga pinagkainan ko at umupo sa sala manunuod na Lang ako para mawala pag ka bagot ko sa bahay binuhay ni macoi ang t.v at itinuuon na lang sa panunuod nang biglang may kumatok sa pintuan napalingon ako at napaisip ang bilis naman bumalik ni tita ng kumatok pa ulit ay agad akong tumayo at lumapit sa pinto at binuksan ko na ito isang lalaking nakablack na suit ang suot , nakashades pa at agad nagtanong sakanya
" ikaw ba si Denmark Fernandez ? "
" opo ako nga po , bakit po ?" Sagot ko .
May inabot lang itong card at kinuha ko naman ito na naglalaman ng address at sinabing
" puntahan mo yan at hinahanap ka ni Mr. Montecillo "
Napalingon ako sa kausap ko ng may pagtataka tumalikod na ito at umalis ang lalaking nagbigay ng card , nang may nag flashback sakanyang utak ng malaman kung sino yung tinutukoy nitong Mr. Montecillo ito yung nakabungguan niya kahapon ,
bakit kaya siya hinahanap nito? Tanong niya sa sarili
sinarado na niya ang na lang ang pinto at naupo sa sala hawak pa rin ang card na may sulat na
MONTE INCORP. naka details din ang Pangalan at address nagtaka man ay itinabi niya na lang ito sa bulsa bahala na nga sa susunod na lang niya ito pupuntahan nang mapagod na sa kakanuod bumalik na lang siya sakanyang kwarto at doon nahiga ng igapo ulit siya ng antok .
KATATAPOS lang ng kanilang exam ay tahimik lang si roan at nakatulala sakanyang upuan iniisip pa rin ang nangyari kagabi naawa man din siya sa binata ay kasalanan naman nito kung hindi siya binastos ay hindi niya sana nagawa iyon natigil lang ang kanyang pagiisip ng magsalita ang kaniyang kaibigan
"ro , ano na ? Kanina pa ako nagtatanong kung anong nangyari at bakit nawala ka agad kagabi ? " tanong nito.
" Wala sumama lang Kasi pakiramdam ko kaya di nako nagpaalam sayo na umuwi ako " sagot ko
" ganon ba pero bakit pati si macoi umalis din at wala sa mood ? Nagaway ba kayo ?
" hindi " tipid kong sagot para hindi na mangulit pa ang kaniyang kaibigan mas mabuti pang hindi na malaman ni becca ang nangyari sakanila ni macoi.
"ngapala bes' absent daw si macoi hindi alam nila David kung bakit "
tumango na lang ako baka kasi nahiya yon kaya hindi nagpakita sa isip isip ko mas okay na yon keysa mangulit pa sakin palagi , tumayo na kami ni becca at lumabas na ng room naglalakad na kami ng makita kong papalapit sila Mon at David
" ah roan alam mo ba kung bakit hindi pumasok si macoi? " tanong ni Mon
isa pa to tanong ng tanong anong malay ba niya don kung bakit hindi pumasok yung kumag na yon
"hindi rin kasi nagrereply sa mga chat namen " dugtong pa nito
" hindi ko alam at hindi naman ako hanapan ng nawawala okay " pagsusungit ko sa dalawa .
Agad na naming nilagpasan ni becca ang dalawa at narinig na lang namin na nagsalita si David " sungit naman non .
hindi ko na pinansin pa at tuluyan na kaming lumabas ng eskwelahan ni becca pumara na kami ng jeep at umuwi na .
Nang makarating na ako sa aming bahay ay nadatnan ko ang aking tatay ricardo na nanunuod ng t.v bakas sa mukha nito ang pagod gawa siguro ng kakauwi lang din galing sa trabaho lumapit ako sakanya at nagmano tsaka umupo sa tabi nito
"Kamusta Tay ? " tanong ko sakanya
tumingin saakin si tatay at ngumiti " okay lang ako nak" nasabi lang ni tatay na okay siya pero mababanaag sakanya ang lungkot kung may problema " may problema po ba tay? pag uusisa ko
" Wala naman nak , oh siya sige magpalit kana at kakain na tayo ." tumango na lng ako sakanya para igalang ang kanyang sagot pero ramdam kong may dinadalang problema si tatay , tumayo na ako at pumasok sa kwarto upang magpalit ng damit pagkatapos ay tinawag na ako ni nanay para kumain na kami .
Kung ano mang problema nila tatay at nanay sana malaman ko agad para mkatulong man lang ako sa abot ng aking makakaya .