CHAPTER ELEVEN

2130 Words
UMUWE muna sina Luigie at Jarreus sa Tarlac. Gusto sila makita ng lolo ni Jarreus kaya pinagbigyan nila. Nandoon rin ang mga ama nila para sa matanda. Last week pa bumalik si Yanna mula Amerika para sa pag-aaral nito. Tuwang-tuwa si Lolo Hilario dahil mukha daw na masaya sila ni Jarreus. Malaki ang pagpapasalamat niya sa matanda dahil kung hindi marahil dito ay hindi siya naging masaya. She was willing to give it a try between them. Kahit ilang beses niya tanggihan ito ay wala pa rin namang mangyayari. Niloloko lang niya ang sarili niya. "We are expecting a grandchild, mga anak." Natigilan si Luigie sa narinig. Are they asking too much from her? Hindi pa niya makita ang sarili maging ina. She was not yet really to be a mom. "Are your contracts in Russia were ended already. Hindi ka pa naman siguro pumipirma sa mga nag-aalok sa'yo dito sa bansa. I think it's the time to leave your career, Luigie. You both are not getting any younger." singit ng ama. "I sighed another one bikini shoot, Dad." Tumango ito. "It will be the last, right?" She felt uneasy. Mabilis ang lahat nitong mga nakaraan. Hindi naman niya naisip na pagbalik niya sa Pilipinas ay ikakasal siya kay Jarreus. At ngayon, ay anak naman ang inaasahan ng mga ito sa kanya. "Don't force the kids anymore," ani ng lolo ni Jarreus. Ngumiti ang matanda sa kanya. "They just get married. Let them decide on their own." Naramdaman niya na ginagap ni Jarreus ang kamay niya sa ibabaw ng mesa. Tinignan niya ito at ngumiti sa kanya. Sa tingin niya ay alam nito kung ano ang nasa isip niya. Binalingan nito ang mga ama nila. "Sa tingin ko, masyado pang maaga para sa bagay na 'yan. Alam ko na gustong-gusto ni Luigie ang ginagawa niya kaya wala pa sa isip namin ang magkaanak ngayon. I want to enjoy our marriage. Gusto ko muna masolo ang asawa ko." "But think about it, hija. You are in the modeling for more than decades. You should think of bearing a child now." ani pa ng ama. Nang matapos sila kumain ay agad na pumunta sila sa silid nila sa Mansion ng matandang Del Castillo. Umupo siya sa kama at tinignan lang si Jarreus na kakalabas lang sa banyo. Naisip niya ang sinabi ng ama. Lumapit ito sa kanya at pumantay. "Don't mind our parents." Hindi siya nagsalita at niyakap lang si Jarreus. Hindi niya alam kung kaya niya i-give up ang buhay niya. Ang career lang niya ang tanging naging sandalan niya sa lahat ng bagay. Sa kabiguan niya kay Jarreus at ang hindi magandang relasyon nila ng ama. At sa oras na malaman ni Jarreus ang sekreto niya. Kakayanin ba niya muling masaktan? I'm sorry, Jarreus. Aaminin ko na hindi pa ko handa sa bagay na iyon. I don't even know kung magiging handa pa nga ba ako. "You will not force me to get pregnant with your child, right?" Saglit na tumitig ito sa kanya. Hindi niya alam kung guni-guni lang ang nakita pero bumakas ang lungkot sa mga mata nito. He kissed her temple. "Of course, I'll let you decide." *** BUMABA si Luigie para uminom ng tubig sa kusina dahil nauuhaw siya. Bago pa siya tuluyang tumaas ay napansin niya na bukas na ang mga ilaw sa sala. Akmang papatayin niya iyon nang makita niya si Lolo Hilario na nakasakay sa wheelchair nito habang nakatitig sa malaking larawan na nakasabit sa dingding. Kilala niya ang matandang babae na tinitignan nito. Si lola Virginia. Ang yumao na asawa nito. Hindi man niya nakilala ang matanda ay alam niya kung gaano kamahal ni lolo Hilario ang asawa. Nilapitan niya ito at pinagkatitigan rin ang malaking larawan. Malaki ang pagkakahawig ng matanda kay Yanna na nakababatang kapatid ni Jarreus. "'Lo?" Nilingon siya ni lolo Hilario. "Ikaw pala, apo. Bakit gising ka pa?" "Kayo po ba? Bakit gising pa kayo?" Bumalik ang tingin nito sa larawan. "Gusto ko kasi makita ang asawa ko. Bago ko matulog ay gusto ko muna siya makita." She stared at the painting. His late wife was simple yet sophisticated. Kung may lubos man siyang hinahangaan sa lolo ni Jarreus ay ang pagmamahal nito sa yumaong asawa. Napatango na lang siya. Baka gusto nito mapag-isa kaya nagpaalam na siya. "Babalik na muna po ako sa taas." "Puwede mo ba ko samahan pa kahit sandali, Luigie." ani ng matanda. "'Sige po," Umupo siya sa lapag sa tapat nito. Nilingon niya ito at ngumiti. "Malaki iyong pagkakahawig niya kay Yanna. Kamukha rin niya si Jarreus." Ngumiti ito. "Kaya nga nang makita ko ang mga apo ko kay Herminio ay sobra ang saya na naramdaman ko. Lalo nang pinanganak si Julianna." "'Sabi ko na nga ba't may favoritism kayo. Hindi lang halata pero mayroon talaga." kaswal na sabi niya. Tumawa ito. "Alam mo ba na mas gusto kita kay Regina." "Para kay Jarreus?" Umiling ito. "Dalawa lang ang apo kong lalaki kaya gusto kong sa tamang tao sila mapunta. Ayoko maranasan ni Rex ang nangyari sa mga magulang niya. Regina was guiding him all these time and I'll be forever thankful to that little girl." He took a deep breath. "But you save Jarreus in falling into the cliff. Ayoko umabot sa punto na magkasakitan sila dahil sa babae. Ayoko mangyari ang nangyari noon sa mga anak ko." Nilingon niya ito. "They fight over a girl and no one's win the fight." Tumitig ito sa litrato ng asawa. "Kung may pinagsisisihan man ako iyon ay ang pinagdamot ko sa ama ni Rex ang kaligayahan niya. Rex's parents didn't get well because they don't love each other. My sons married their wife because of convenience but I'm happy to know that Herminio loves Jarreus' mom before she died." Sobrang nalungkot siya sa narinig. It is happening to Rex and Jarreus, they both love the same girl. "What happen to the girl they fight over?" "I force that girl to leave this place and forget about Rex's Dad." Tumingin ito sa kanya at matipid na ngumiti. "You see, I'm not that good and I did things to hurt my sons. Pero gusto ko itama ang mga nagawa ko sa pamamagitan ng mga apo ko." "Can I hold your hand, hija?" Tumango siya at binigay ang kanang kamay sa matanda. "I like you for Jarreus not because you're granddaughter of my best friend. It is because I like all about you. Gusto kita dahil sinasabi at ginagawa mo ang lahat ng gusto mo. Ayaw mo na dinidiktahan ka ng iba. Ikaw ang tipo ng tao na gagawin ang lahat hindi para i-please ang lahat kundi ang sarili mo. Jarreus need someone as fierce as you." "And I see my late wife in you, hija. Diyan kayo magkaparehas na magkaparehas ni Virginia. I always paint her and that was the last painting. I painted her at our golden wedding anniversary." Ngayon ay alam na niya kung kanino nakuha ni Jarreus ang galing nito sa arts. Inabot nito sa kanya ang isang velvet box na itim. Kinuha niya ang maliit na kahon. "Open it." Binuksan niya ang velvet box at bumungad sa kanya ang isang diamond ring. Nagtataka na tinignan niya si Lolo Hilario. "Para saan po ito?" "It was the ring I gave to Virginia when I'd married her. Dapat ay binigay ko 'yan kay Jarreus para isuot mo ng kasal ninyo." Sinarado niya ang kahon. "'Lo, hindi ko po matatanggap ito." "Nangako ko sa'yo na tutulungan kita kay Jarreus sakali na siya pa rin ang mahal mo." Hinawakan niya ang kamay nito. "And I will be thankful for that, 'Lo. Tinupad n'yo ang sinabi n'yo sa akin noon. Kasal na kami ngayon ni Jarreus at dahil 'yon sa tulong ninyo. Aaminin ko na kayo ang dahilan kung bakit ikinasal kami ni Jarreus. Na kayo ang naiisip ko nang mga panahon ng kasal namin pero nagbago iyon ng pumunta kami sa Hawaii. Napatunayan niya sa akin na mahal niya ko. Hindi ninyo alam kung gaano ako nagpapasalamat sa inyo dahil kung hindi ay hinding-hindi ko mabibigyan ng pagkakataon si Jarreus at ang sarili ko. Kaya higit pa sa pangako n'yo ang natupad. Mahal ako ni Jarreus." "Keep it, Luigie. Gusto ko mapasaiyo 'yan." ani ng matanda. Tinignan niya ang singsing. "Come here." Pumantay siya sa matanda at tinulungan ito isuot iyon sa kanya. Pinagkatitigan niya ang singsing sa daliri niya. "It's so beautiful." "I told you it was for you." nakangiting sabi nito. Sinandal nito ang ulo sa wheelchair at pumikit. "Puwede mo ba ko ihatid sa kuwarto ko?" Tumango siya at tumayo na. Pumuwesto siya sa likod nito at tinulak ang wheelchair patungo sa kuwarto nito. Nang makita niya ang nurse nito ay nagpasalamat si lolo Hilario sa kanya. Nagpaiwan na ito kasama ang nurse. Bago siya umalis ay hinalikan niya sa noo ang matanda. "Sleep well, 'Lo. Tulog ka na po at hatinggabi na." Bumalik din siya agad sa kuwarto nila ni Jarreus. Pagkahiga niya ay naramdaman niya na pinulupot nito ang kamay sa baywang niya at hinigit sa katawan nito. Mabilis siyang nag-init nang gumapang sa maseselan na parte ng katawan ang kanay nito. The next thing she knew, he was pumping himself on her top. *** "AKALA ko next year pa balik mo." ani Vash Pablo nang binato sa kanya ang beer in can. Umupo ito sa tabi niya at tumungga sa can nito. Nasa studio sila at hinihintay ang iba. Kababalik lang nila ni Luigie mula Tarlac. She had her photoshoot on that day. Mamaya ay susunduin niya ito. "I'm happy you get your girl this time." ani ng kaibigan sa kanya. He chuckled. "I'm more than happy, VP. We are married. Akin na akin na siya ngayon." Aaminin niyang natatakot pa rin siyang baka panaginip lang ang lahat. Baka mamaya wala na naman ito at maghihintay na naman siya kung kailan makikita ito. Pero iba na ang ngayon pero may takot pa din sa kanya. Pakiramdam kasi niya kapag may nagawa siyang hindi tama ay iiwan nito. Naging mabilis ang lahat sa pagitan nila. Kung hindi nga dahil sa lolo niya ay baka ni tignan nito ay hindi gagawan. Alam niya kung gaano ito kagalit sa kanya. Pati siya ay galit rin sa mga ginawa niya. But whatever happens, hinding-hindi siya gagawa ng kahit anong makakasakit kay Luigie. "Be good to her. Wag mo na ulitin ang ginawa mo dati." paalala nito. "I won't. Never." pinal na sagot niya. He learn his lesson he won't repeat it again, ever. "It is not easy loving someone like you." Tila may laman na sabi nito. Nilingon niya ito at sinuntok sa braso. "Pursue her, Pablo. Don't be too coward." "Mas importante sa kanya ang career niya. Let's be honest, Reus." He was referring to his sister Julianna. Pablo is in love with her all these years. Pero mas minabuti ng kaibigan itago ang feelings nito. Kung gaano ito kababae ay ganoon naman ito katorpe sa kapatid niya. Ayaw naman niya pangunahan ito pero sana ay magsimula na ito kumilos. Pablo might not be the best for his sister but he's a good man. Iyon ang tingin niyang mahalaga. "Hey!" Mabilis na lumingkis ang mga braso ng kararating lang na si Darren sa kanila ni Pablo. "Seryoso masyado. I-share n'yo naman." "Get off me, Darren. Suntukin kita." Banta niya. Umingos ito. "Too brutal. Still wondering why Luigie likes you." Sinamaan niya ito ng tingin. Tinaas naman nito ang mga kamay. "Wala na kong sinabi." Napailing siya. He missed her already. "You're a good man, bro. I trust you." aniya kay Pablo bago iniwan ito. All of them are his second family. Within the band defines him, it molds him, and he find his way with them. Pumasok na rin ang iba nilang kabanda. May rehearsal sila para sa isang music video na si Rex mismo ang nagsulat. Tingin nila ay papatok iyon sa masa. Pumuwesto na sila. Tinapik siya ni Rex. "Hindi ka na iiyak sa isang tabi." "Gago!" Nagtawanan sila. "Susunduin ko siya mamaya kaya bilisan lang natin." ani Jarreus. Gustong-gusto na kasi niya makita si Luigie. "Pati rin ako." ani Rex, he was years married with Regina.They already have two kids. Inaanak niya ang panganay na anak ng mga ito. His first love but he's over with her. Sigurado siya sa bagay na iyon. Regina is only a friend to him now. Sumipol si Darren. "Buhay sakal nga naman." "You will find someone too, Darren. I can't wait to see you crawling to get your girl." Ani Maureen bago umupo sa harap ng mga druls nito. Alam nang mga ito ang pinagdaanan niya. He already losing hope but fate give him a second chance. He will do everything to keep her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD