'I don't live in dark, dark lives in me.' Tagos sa kalamnan ko ang linyang yan. Mala demonyo. Ang hirap ipaliwanag kung anong nararamdaman ko ngayon. Basta ang alam ko lang ay halo-halo na. May nabubuo ng konklusyon sa utak ko dahil sa mga impormasyong paunti-unti kong nalalaman. Kaso ang problema, ayoko lang paniwalaan ang mga yun dahil imposible. Magkakasakit ata ako dahil sa stress. Sino ba ang Eustace na yun? Bakit nasa Deputy Principal's office sila? Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Wala akong iniisip kundi iyon lang. Masyadong misteryoso ang school na pinasukan ko. Nakakakilabot. "P-pupunta ka ba sa a-acquaintance p-party?" biglang tanong ni Xena. Agad ko siyang nilingon. Napaisip ako. Pupunta nga ba ako? If I will atend that party, I know it will be boring for me. Wala akong ka

