Pagkatapos ko siyang sigawan ay swabe niyang inayos ang buhok niyang nasira dahil sa 'intense' scene na ginawa namin habang nasa harapan ng dalawang 'yon. Kahit na hinihingal ako ay hindi ko parin mapigilang hindi maiinis. "Asshole! Why did you do that?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya at agad kong sinapo ang noo ko. "I saved you." mukang hinihingal niya ring sabi pero ginagawa niya tong kalmado sabay tanggal niya ng isang butones sa uniform niyang suot. Niliko ko agad ang ulo ko dahil sa ginawa niya. Iluwa ba naman nang uniform niya ang nag gagandahan niyang dibdib. Anong sabi niya? 'I saved you?' Oh really? I didn't need his help! "I didn't need your help! Bakit mo pa kasi ako kinalabit!" Nakita kong napakagat siya ng labi at diretso akong tinignan. "You didn't need my help

