Chapter Twenty Nine

1238 Words

Nag-aya akong pumunta sa canteen kasama si Maddox. Buti pa 'tong batang 'to napapangiti ako, eh 'yong si Govad? Aba'y puro pangbwibwisit lang ang natatangap ko sa kaniya. "Wala ka bang klase ngayon?" Tanong ko pagkatapos kong uminom ng tubig. "Absent ang teacher namin kaya gumala na muna ako." Ngumiti ako at tumahimik. Hanggang sa sumiksik sa utak ko yung sinabi ni Govad sa kanya para mapauwi siya. "Anong ibig sabihin no'ng sinabi sayo ni Govad kagabi? 'Yong I will contact father?" Napatigil siya sa pagsubo at tumingin sa akin ng seryoso. Napalunok ako habang tinignan siya. Bakit ang seryoso niya? Nagtatanong lang naman ah. "He's my older brother." Ramdam ko na nagform ang bibig ko bilang letter 'O' Seryoso? Magkapatid sila? Kaya pala. Hawig sila sa kilay. "Kaya pala." sabay tango

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD