Magkasunod kaming bumalik ni Shawn sa table namin at wala namang nakapansin na magkasama kami dahil mukhang may mahalagang pinag-uusapan sina Mamita at Ate Rin habang si Gresh naman ay busy sa phone nito, maliban nga lang kay Lizia. Nagsalubong ang mga kilay ni Lizia at puno ng pagdududang nakasunod ang matalim na tingin sa'kin. Isang inosenting ngiti lang ang ibinigay ko rito bago umupo katapat ang upuan nila ni Shawn katabi ang busy na si Gresh. Hindi ako bumitiw sa pakikipagsukatan ng tingin kay Lizia. Nang maupo na si Shawn sa tabi nito ay isang nang-aasar na ngiti ang hinayaan kong gumuhit sa'king mga labi habang makahulugan ang ginawa kong pagsulyap sa lalaki. Lalong tumalim ang tingin ni Lizia at sa kabila ng makapal niyang make-up ay lumitaw ang bahagyang pamumula nito dahil sa

