Nang sumunod na mga araw ay nawaglit sa isip ko ang tungkol sa mga tradisyon at paniniwala ng Freglio na bumabagabag dito. Natuon ang ang buong pansin ko sa ganda ng bansang kinalikahihan ni Shawn. Matapos niya akong ipasyal sa buong Freglio Castle ay lumabas kami at nakisalamuha sa mga taong pinamumunuan ng pamilya niya sa loob ng ilang daang taon. Bilang tagapagmana ng trono na kasalukuyang kinauupuan ng kanyang ama ay nakikita ko ang taos-pusong pagmamahal ng mga tao para kay Shawn. Maliit na bansa lang ang pinamumunuan ng pamilya niya at kasinglaki lang ito ng Austramica pero nagsusumigaw sa karangyaan at kaginhawaan sa buhay ang bawat nakikita ng mga mata ko. Kung mahigpit ang seguridad ng Austramica tungkol sa mga kaganapan sa loob ng bansa ay gano'n din dito sa bansang kinalakih

