KABANATA 35 ANDREI Tatlong araw ang lumipas matapos ang eksena sa parking lot. Tanging kami lang at ang grupo nung panget na Peter na yun ang nakakaalam sa nangyari dun. Isama mo na sila Christof at ang kaawa awang Richard na sinasabi nila Marco at Samjo. Sinabihan ako ng dalawa na mag pa lowkey muna, dahil baka mabulilyaso ang plano namin sa mga kumag kapag masyado ng naging brutal ako. Kaya kahit gustong gusto ko na sila durugin isa isa, ay nag timpi ako at nag hintay. Narito ako ngayon sa library ng college of engineering. Maganda kasi talaga ang pasilidad nila dito, at kamangha mangha ang library nila dito. Walang sinabi sa library ng building namin. Kakainis. Kasama ko ngayon si Samjo na as usual ay tulog na naman. Etong tao na ito, sya lang ata ang taong kilala ko na tulog lagi

