KABANATA 33 ANDREI Ikalawang araw na ng klase ngayon, parang ang daming nangyari kahapon. Hanggang ngayon nga hindi pa din ako maka paniwala na ang isa sa mga Prof ko, ay bayaw ko. Gosh! Bakit ang ha-hot at ang yuyummy ng mga naging asawa ng ate ko. Ang hirap nilang hindi pag nasahan. May orientation daw ngayon lahat ng freshmen students sa auditorium. Mukhang lahat ng kurso ay nandito. Kaya naman kasama ko ang kambal, si Abra at maging si Marco. Grabe ang lawak pala talaga ng school namin, kahit itong auditorium ang laki laki, para kaming nasa araneta sa ganda at lawak ng pasilidad. Iba talaga pag exclusive school ka nag aaral. Katabi ko si Marco na panay ang tingin sa paligid. Malamang sa malamang nag bibilang na naman ito ng pogi. Gawain namin yan noon pa. "Baka mabali yung leeg

