Hindi ba sila okay? kung hindi ay ano ang dahilan para magkaganito ang kapatid ko? isa pa, napakalinaw ng pagkakarinig ko sa sinabi ni Seya na hindi ako makapaniwala na siya yung nagsalita. At tinawag niya lang sa pangalan nito si Dr. Ariq! Ano ba ang nangyari sa kanilang dalawa? ngayon mas nagiging malinaw sa akin na nagkaroon nga sila ng problema, at mukhang hindi lang ito sa dahilan na umuwi si Dok para sa kumpanya ni Thauce. Mayroon pa at iyon ay sa pagitan nila ng kapatid ko. "Seya," seryoso ko naman na tawag. Hindi pa rin siya nagsasalita at wala ang tingin sa akin. Ngayon ko lang siya ulit nakita na ganito. "Tumingin ka sa akin, Seya." Nakita ko ang pagkibot ng mga labi niya, hindi naman na nagtagal ay tumuon na ang mga mata niya sa akin. Naroon pa rin ang inis sa kaniyang mukh

