"Iniisip kaya ni Thauce na kung makikipagkita ako kay Lianna ay baka kasama nito si Errol?" Posible rin kasi 'yon. Ang ayaw naman niya ay makausap ko pa si Errol. Pero hindi naman pwede, kailangan ko pa rin maamin dito at kay Lianna ang tungkol sa kasunduan. Nang sinabi ko kay Lianna na ako na ang bahala kay Thauce ay nagreply lang siya ng sige. Hindi na ako nag message pa non at naggayak na ako ng damit ko. Simpleng straight cut navy blue jeans and white top ang kinuha ko. Sa tuwing mapapatingin ako dito sa mga damit ko ay napapangiti na lang rin ako. Katabi nito ay yung kay Thauce na. Ang totoo, pagkarating namin dito sa bahay niya nang mangyari nga yung aksidente ay lahat ng gamit ko sa guest room ay narito na. Pati mga sapatos, skincare na binili niya, toothbrush, lahat-lahat ng mga

