"Sigurado ka ba na ayos lang sa 'yo na na ikaw ang magluluto ngayong gabi?" Nakamasid ako kay Thauce habang inilalabas niya ang mga lulutuin na nasa loob ng ref. Pagkaalis kasi nila Lianna ay sinabi niya sa akin na siya ang magluluto ngayon at hindi na muna kami mag-oorder ng pagkain. Iyong nakalipas kasi na mga araw ay dahil nga sa hindi pa magaling ang kamay ko ay puro pagkain sa labas ang kinain namin. Nang sabihin ko kasi sa kaniya na magluluto ako at medyo kaya ko naman na ay tumutol siya. "I know how to cook a simple dish. So you don't need to worry about the taste," sagot niya at lumingon sa akin. Hindi naman sa ganon! syempre ayoko na maabala siya. Saka, napakabusy niya sa trabaho. Maaga siyang umaalis, tapos nitong nakaraan nakikita ko na bago matulog nagche-check pa siya ng m

