Ang simpleng pag-iiwan rin ni Thauce ng pagkain sa akin ay naging malaki ang epekto. Isa iyon sa hindi ko inaasahan sa kaniya lalo pa sa nangyari sa pagitan namin na dalawa. At ang sticky note... kahit na pangalan ko lang ang nakasulat doon ay ilang beses ko pa ngang tinitigan at binasa. "Are you okay, Zehra?" Binalingan ko si Lianna nang marinig ko ang boses niya. "Ayos lang..." tipid akong ngumiti sa kaniya. Alas nuwebe ng gabi at narito kami ngayon sa may entertainment room sa kanilang resthouse. Nanonood naman kami ngayon ng horror movie. Kahit na panay ang tili ng mga kababaihan sa tuwing lalabas ang multo ay hindi non nakuha ang atensyon ko sa sobrang pag-iisip sa pagkain na itinabi ni Thauce para sa akin. Tuloy, ito, bumaling na naman ako sa kaniyang pwesto. Malayo sa akin. Hin

