Chapter 53

1735 Words

"I noticed that you're always on your phone, Zehra." Bahagya kong ikinagulat nang marinig ang boses na iyon ni Errol sa likod ko. Hindi ko namalayan iyong pagbukas ng pinto at pagpasok niya sa silid namin! Mabilis ko na itinago ang cellphone na aking hawak sa bulsa ng suot kong jacket nang maglakad siya palapit sa akin. Katext ko pa naman si Thauce, sinabi niya na kagigising lang niya at palabas na ng silid. Tinatanong ako kung anong oras ako bababa para mag-almusal. Hindi pa naman ako nakakasagot! "Oh? I am sorry, nagulat ata kita." "A-Ahmm... hindi naman," nakangiti siya sa akin pero ang ngiting iyon ay hindi man lang umabot sa kaniyang mga mata. Napatingin ako sa hawak niyang tasa, umuusok pa ang laman non. Nang umalis siya kanina at magpaalam ay akala ko magtatagal siya sa kusina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD