Title: My Love for you is Real Written by: Miss Choi NIYAKAP rin ng mahigpit ni Rafael ang dalaga. "Mas mahal na mahal kita," bulong naman ni Rafael sa tainga ng dalaga. "Kumain na tayo, baka lumamig na ang pagkain, isa pa nagugutom na ako," pagrereklamo ni Angela na may matamis na ngiti sa labi. Nang bigla siyang nakawan ng halik sa labi ni Rafael at ngumiti ito ng may halong nakakaloko. Bigla namang kinurot ng dalaga ang tagiliran ng binata. "Ikaw talaga, ang aga-aga," saad na lamang ng dalaga. Kinuha ng binata ang pagkain na nasa tray at inilagay nito sa kanyang hita at doon siya mismo ang nagsubo ng pagkain ng dalaga, habang nakaharap sa dalaga. "Tama na ako na hindi na ako bata at isa pa kaya kong magsubo mag-isa," saad ni Angela habang ngumunguya ng pagkain. "Ayuko, basta

