Title: My Love for you is Real Written by: Miss_Choi Genre: Romance HABANG nakatanaw ang mga dalaga sa tanawin ay lumapit si Charles sa tabi ni Angela. "Akala ko ba gutom na kayo. Mukha yatang naaaliw kayo sa view ah," saad ng binata habang tinititigan ang mukha ng dalaga. "Kumain na tayo dahil kailangan nating umuwi ng maaga," sabat naman ni Vincent. "Oo nga kumain na tayo dahil gutom na talaga ako," saad naman ni Venice. May lumapit na isang crew sa kanila at ini-assist sila patungo sa kanilang table. Napapamangha ang mga dalaga dahil bukod sa maganda ang view ay maraming klase ng bulaklak at mga palamuting ilaw na malilit at ang mga tao na naroon ay mga social at tahimik ang lugar. Umupo sila at may mga crew na nagsilapit at inilapag ang mga pagkain na dala. "Nagugutom na ako,

