Title: My Love for you is Real Written by: Miss_Choi Genre: Romance PAGKATAPOS kumain ng magkasintahan ay naghugas ng pinagkainan ni Angela. Habang si Rafael naman ay nagtungo sa banyo. Pagkalabas ng binata sa banyo ay nakita nito si Angela na nakahiga sa kama at nanonood ng TV. Tumabi si Rafael sa dalaga at niyakap 'to. Humarap ang dalaga sa binata at niyakap rin niya 'to pabalik. Habang hinahaplos ni Rafael ang buhok ng dalaga na nakapatong sa kanyang braso. "Nakapaghanda ka na ba para sa makalawa?" tanong ng dalaga sa binata. "Hindi pa,saglit lang naman 'yon, sa ngayon ang gusto kong gawin. Ganito lang ang yakapin ka ng mahigpit," saad ni Rafael at tinitigan nito mukha ng dalaga. Halos dalawang araw na namalagi si Rafael sa boarding huouse ni Angel at doon na rin 'yon tumira.

