My Love for you is Real Witten by: choi Romance Chapter 8 Kinabukasan ay nagising si Rafael ng may ngiti sa labi. Tinitigan nitong mabuti ang mukha ng dalaga. Nang biglang gumalaw ang braso ng dalaga na nakaakap sa kanya. Ipinikit ni Rafael ang kanyang mga mata at nagtulog tulugan. Idinilat ng dalaga ang kanyang mga mata ng dahan-dahan, nabungaran nito ang napaka gwapong mukha ng binata. Napangiti ito at napaisip. "Sabi ko ayuko ng pulis, pero heto ako ngayon ibinigay ko ang sarili ko ng gano'n lang kabilis ng walang pag-aalinlangan. Diyos ko, paano kapag nalaman nito na ang ama ko ang pumatay sa kanyang ama. Matanggap pa kaya n'ya ako?" tanong nito sa kanyang isipan, habang tinititigan ang mukha ng binata at hinahaplos ng daliri nito ang matangos na ilong. Biglang dumilat ang mata

