Chapter 16 Nanatili ang malamig na pakikitungo sa akin ni Brandon. Nalungkot ako pero napagtanto ko na mas mabuti na iyon. Maybe he was trying to move on. I really it's the case dahil ayoko nang ulitin pa ang pagsasabi sa kanya ng masasakit na salita parang tumigil na siya. Makulimlim ang langit at umaabon. The whole mood for today is gloomy. Parang nakikisama sa akin ang langit, iyon din kasi ang nararamdaman ko ngayon. Nahihiya ako kay Lucy. Alam kong gustong gusto niya na makatuluyan ko ang kapatid niya. Akala lang niya na hindi ko napapansin pero alam ko na may mga ginagawa siya para magkalapit kami. Kagaya na lang na bigla niya akong yayayain sa labas para kumain. Alam niyang hindi ko siya tinatanggihan at kung mangyari man ‘yun ay dahil may importante akong ginagawa na hindi ko

