Chapter 13 Nalalapit na ang graduation ng senior high. Marami kaming inaasikaso kagaya na lang ng mga university na pwede namin pasukan. Abala rin kami sa pag-aayos ng mga requirements na kailangan naming tapusin. Parehas kami ni Rai. Kagaya ko graduating din siya, sa kolehiyo nga lang. Business Administration ang kurso na kinukuha niya. Kurso na gusto ng mga magulang niya para sa negosyo nila. Nag-iisa siyang anak ng mga Sevilla at dahil doon siya lang din ang tagapagmana ng mga negosyo ng mga magulang niya. Minsan gusto kong itanong sa kanya kung gusto niya ang kurso na ‘yun. Kung bibigyan ba siya ng pagkakataon na pumili para sa sarili niya, ano naman ‘yon? But it's none of my concern. I realize that some of us only have limited choices in life. Ang masaklap pa kaunti lang doon ‘y

