Chapter 26 Unexpected things happened in life. Whether you like it or not it will happen because that is life, unexpected and full of surprises. Kahit pa anong paghahanda ang gawin mo, when you are put in that situation you have no choice but to react even though you have no idea how. Minsan pa nga mabibigla ka na lang at wala kang ibang magagawa kundi ang magpatianod sa daloy. Like a free falling water in a river. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko matapos punasan ang bintana. Kanina pa ako nasa restaurant at tumutulong sa pagbubukas pero ang utak ko parang nasa ibang lugar pa rin. Kahit anong pilit ko yata na maging mabait sa lalaking iyon hindi nangyayari. Parang napakaimposible na hindi kami mag-away sa isang araw. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa. Baka kapag nagp

