Hindi ko alam kung paano ko nagawang itaboy si Rai matapos ang pangyayari kanina. I was thankful that Ryle is at school at wala sa bahay. Para akong aatakihin sa puso ng mga oras na iyon. Mabuti na lang din at hinayaan ako ni Rai, hindi na siya nagpumilit pa at kusang umalis. He was cooperative that time but it doesn’t mean that I can finally remain calm. May posibilidad na bumalik siya dito lalo pa at alam niya na kung saan ako nakatira. Ayoko sana na umabot sa punto na kailangan kong sabihin ang bagay na ito kay Manang Ester. Alam niya naman ang sitwasyon ko pero gayunpaman hindi niya kilala si Rai at hindi niya rin alam na ito ang taong tinutukoy ko. Nagdadalawang isip ako. It is not easy to share a secret this big. Dahil kailangan kong mag-ingat. Magagalit sina Lucy kapag nalaman n

