Ilang beses ko nang ipinapagpag ang coat na ipinahiram ni Rai. Ngayon ko palang iyon lalabhan. Kanina ko pa iyon tinitignan at hindi ko alam kung isosoli ko ba o sa akin na lang. Kaya niya naman bumili ng isang katerbang coat kaya wala lang sa kanya kung hindi babalik ang isa. Hindi naman siya naghihirap para habulin pa ang isang ito kaya lang mas nangingibabaw sa akin ang kagustuhan na ibalik ang coat. Ayoko na may isang bagay na magpapaalala sa akin sa taong iyon. Isa pa sa bumabagabag sa akin ay iyong mga binitawan kong masasakit na salita laban sa kanya. Ayoko lang na aminin sa sarili ko pero naguilty talaga ako doon. Bagama’t ginagawa ko lang naman ang bagay na iyon para sa anak ko, parang mali pa din na pinagsalitaan ko siya ng masama. Isa pa hindi siya sumira sa pangako niya. H

