PROLOGUE

1665 Words
Isang malakas na hampas sa table ang gumising sa natutulog na si Anastacia. Puyat na puyat at lasing na lasing siya sa nagdaang gabi dahil sa pagyayaya ng matalik niyang kaibigan na si Cora na mag bar-hopping. Ni hindi niya alam kung paano itong nakauwi kagabi. Bigla na lang itong nawala sa paningin niya nang nasa pangatlong bar na sila. Hindi naman siya nag-aalala dahil magaling ang kaibigan niya. Kayang-kaya nitong dalhin ang sarili kahit pa langong-lango na ito sa sobrang kalasingan. “Hoy! Anastacia Roa! Gumising ka nga d'yan! ‘Wag kang magpanggap na natutulog! Alam kong gising ka!” Hindi pa niya tuluyang nabubuksan ang mga mata ay narinig na niya ang matinis at nakakairitang boses ng isang babae. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano siyang nakarating sa school. Kung binihisan na naman siya ng isa sa mga kasambahay nila o binuhat siya ng bodyguard niya papasok sa sasakyan at hinatid sa school ay hindi siya sigurado. Isa lang ang sigurado siya. Lasing na lasing siya kagabi at iyon ang unang beses na nalasing siya ng sobra. Iyon din ang unang beses na lumampas sa halik ang kinaya niyang ibigay sa isang lalaki. Holy shìt! I can't even recall his face or I didn't even ask his name! Hindi siya makapaniwala na naibigay niya ng gano’n gano’n na lang ang sarili sa isang lalaki. At sa isang lalaki pa na hindi man lang niya alam kung saan nagmula o kung may asawa na ba o kasintahan! “Ayaw mong gumising ha?” muling sambit ng babae at ilang sandali lang ay naramdaman na niya ang ginawa nitong pagsabunot sa buhok niya. Doon na siya tuluyang napadilat. Ramdam na ramdam niya ang hapdi ng mga mata niya pati na rin ang sakit ng buong katawan niya lalong-lalo na ang parte ng katawan niya na pinaka iniingatan niyang makita, mahawakan at makuha lang ng kahit na sinong lalaki. But I already lost it last night. At sa isang lalaki pa na hindi ko kilala at ni hindi ko alam ang itsura dahil pareho kaming nakasuot ng mask! Kung alam lang niyang aabot sa gano’n ang lahat ay sana pala ay hindi na siya nagpapilit pa kay Cora na sumali sa isang masquerade ball. Ni hindi nga sila imbitado sa party na iyon. They just even gatecrashed because her friend was just desperate to find out everything about her ex-boyfriend after they called their relationship quits a few months ago! Para sa kanya ay ano pa ba ang aasahan nito sa isang tao na walang paninindigan matapos nitong makuha ang gusto sa kaibigan niya? Basta na lang itong umiwas matapos na may nangyari sa mga ito at nagtago ng ilang linggo. How irresponsible and cowardly was that? Sa isang banda ay parang mas okay pa yata ang nangyari sa kanya kagabi kesa sa nangyari sa kaibigan niyang si Cora. Cora was in a relationship with someone and she voluntarily gave herself to her boyfriend. Samantalang siya ay nawala ang pinaka iniingatan niyang virginity at hindi niya alam kung sino ang sisisihin! Siguro ay pakunswelo na iyon para sa kanya na hindi niya alam kung sino ang nakakuha. Dahil kung kilala niya iyon ay gugulo lang ang isip niya at maiilang lang siya sa kung sino man iyon! So, it’s just alright! It’s no big deal anyway! It’s just a night! At wala namang nakakaalam sa nangyari sa amin kundi kaming dalawa lang! Mas humigpit ang kapit ng kaklase niyang babae sa buhok niya kaya basta na lang na nilipad sa kung saan ang kung ano-anong iniisip niya. Masama ang tingin na sinalubong niya ang tingin nito. “Malakas ang loob mong magpanggap na walang pakialam kasi anak ka ng governor?” nakataas ang kilay at nanlilisik ang mga matang sambit nito sa kanya. Pero hinayaan niya lang itong magsalita. Ilang sandali lang ay tumawa naman ito ng nakakaloko habang nakatitig pa rin sa kanya. “Bakit, ha? Eh hindi naman tunay na asawa ang nanay mo! Anak ka lang sa labas! Anak ka ng prostitūte! Pokpok ang nanay mo! Kaya manang-mana ka sa kanya!” gigil at malakas na bulalas nito. Halos mapapikit siya dahil sa lakas at tinis ng boses nito habang sinasabi iyon. “Ano, ha? Masaya ka na ba? Break na kami ni Glen! Iniwan na niya ako dahil sa’yo! Pokpok ka kasi! Pokpok! Manang-mana ka sa ina mo!” mas malakas at mas matinis na bulalas nito. Halos mamula na ang mga pisngi nito at hindi niya alam kung dahil ba iyon sa iritasyon sa kanya o dahil sa makapal na makeup na palagi nitong suot. “Get your hands off me,” kalmado pa rin na babala niya. Hindi na bago ang mga ganung eksena para sa kanya. Ilang beses na ba siyang lumipat ng school dahil sa iisang dahilan? Simula noong tumuntong siya ng high school ay halos naikot na niya ang lahat ng eskwelahan sa lungsod ng Maynila. Ilang beses na siyang nag-transfer pero kahit yata saan siya lumipat na eskwelahan ay nakakabit na sa pagkatao niya ang ganung klase ng impresyon. Social climber, anak ng pokpok, anak sa labas ng mayamang gobernador, sulutera at marami pang iba. But those names given to her except for her being a slūt are true. Totoo ang lahat ng iyon at hindi basta paratang lang. Totoong dating prosti ang nanay niya at totoong anak siya sa labas ng isang mayamang gobernador. And she hates the fact that she always needs to act like she doesn't care. At all. Kailangan niyang tiisin ang lahat ng hindi magagandang sinasabi sa kanya ng mga tao dahil wala naman siyang magagawa para baguhin ang katotohanang iyon. Kaya bakit pa niya pagtutuunan ng pansin? Mabubuhay siya sa paraan na gusto niya. Iyong masaya at walang iniintindi na kahit na ano. Especially money because her biological Dad is rich. And the influence of his money and name can do even the impossible things. Kaya bakit pa niya pag-aaksayang isipin ang sasabihin ng iba? She can literally do everything and get everything she wants at hinahayaan lang siya ng Daddy niya na gawin ang lahat ng gusto niya. “Aba’t malakas talaga ang loob mong babae ka porke anak ka ng gobernador ha?!” muling bulalas nito. Mukhang hindi nito nagustuhan ang nakuha nitong reaksyon mula sa kanya kaya mas lalo itong nag-apoy sa galit! Sa halip na masindak ay natatawang sinalubong niya ang tingin nito. “Hindi ko na kasalanan kung mas maganda ako sa’yo kaya ka iniwan ng boyfriend mo,” balewalang komento niya at saka hinawi ang kamay nito na nakahawak sa buhok niya. Pero sa halip na bumitaw ang kaklase niya ay mas lalo lang humigpit ang hawak nito sa buhok niya at sa gigil ay mas lalo pang nagalit at sinampal siya. Napapikit siya nang naramdaman ang pagtama ng palad nito sa kaliwang pisngi niya. Nag-init ng todo ang ulo niya. Siguradong magpapasa ang pisngi niya dahil sa ginawa nitong pagsampal. Masyado pa namang sensitibo ang balat niya kaya hindi niya hinahayaan na basta na lang siyang saktan ng kahit na sino. “Ang kapal talaga ng mukha mo, Anya! Pokpok ang nanay mo kaya manang-mana ka sa kanya!” bulalas pa nito matapos siyang sampalin. Hindi na siya nakapagpigil at napatayo na rin. Mas matangkad siya dito kaya agad na nabitawan nito ang buhok niya nang itulak niya ito. Isang hakbang lang niya ay naabot na ng kanang kamay niya ang buhok nito. “How dare you lay your filthy hand on my face!” iritadong singhal niya at sinampal ito ng mas malakas sa ginawa nitong pagsampal sa kanya. Napasinghap at napatili ang mga kaklase nila dahil sa eksenang nasaksihan. Hindi pa siya nakuntento ay ilang beses niya pang sinabunutan ang kaklase niya at muling sinampal. Kung hindi pa umawat ang presidente ng klase nila ay hindi pa siya titigil sa pananakit sa babae. They both ended up in the guidance office and got scolded by the principal. Naglalakad na siya pabalik sa classroom nila nang lapitan siya ng bodyguard niya. Kitang-kita niya ang pinaghalong concern at simpatya sa mga mata nito habang nakatingin sa pisngi niya na alam niyang pulang-pula dahil sa ginawang pananampal sa kanya ng kaklase niya. “What are you looking at? Hindi ka pa ba sanay na makakita ng pasa sa mukha ko?” nakairap na salubong niya dito. Hindi ito nagsalita at bumuntonghininga lang bago inabot ang cellphone nito sa kanya. Tumaas ang kilay niya habang sinasalubong ang tingin nito. “Nasa telepono ang Daddy mo…” sambit nito. Umayos siya ng tayo at saka mabilis na kinuha ang phone mula dito. Tinapat niya kaagad sa tenga ang phone at saka ngumiti ng maluwang at pinasigla ng boses. “Hi, Dad! How are you po–” “Go home now, Anastacia. I want you to meet someone,” mabilis at seryosong putol nito sa pagbati niya. Nagsalubong ang mga kilay niya pero agad na nag-usisa tungkol sa kung sinong ipapakilala nito sa kanya. “Really, Dad? Sino naman po? Kailangan po ba na ngayon na? I still have one remaining class this afternoon–” “Just skip that class and go home, Anastacia. ‘Wag mong paghintayin ng matagal dito ang mapapangasawa mo…” seryosong sambit nito. Namilog ang mga mata niya at umawang ang bibig dahil sa hindi inaasahang narinig mula sa Daddy niya. “Mapapangasawa?” hindi makapaniwala na ulit niya sa sinabi nito at saka tumawa ng mahina. “But Dad! I am just sixteen–” “Kaya nga mapapangasawa pa lang, Anya. Of course, you two will get married when you are of legal age. So, skip your class and go home now. I’ll see you later…” tuloy-tuloy na sambit nito at pinutol na kaagad ang tawag kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang ibalik ang phone sa bodyguard niya! Fiancé my ass! Well, sisiguraduhin kong walang kasal na magaganap bago pa ako mag-eighteen!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD