PAGKAGALING na pagkagaling ni Zoey ng airport ay dumeresto agad siya ng Hotel Strata. Katulad ng sinabi sa kaniya ni Nina na nandoon si Chase ngayon kasama ang asawa nito kaya naman doon din siya nag-book sa pag-stay niya. Sinalubong agad siya ni Nina sa entrance pa lang ng Hotel. “My God, I miss you, Zo!” mangiyak-ngiyak pang sabi nito saka siya niyakap ng mahigpit. “Yeah, I miss being here,” she said, then roamed her eyes in the hotel. “Nothing has changed, ha.” “Oo naman, kahit ikaw walang pinagbago, maganda ka pa rin,” wika nito sa kaniya pagkahiwalay nila. “Of course! So, where is he?” “Well, ang sabi sa ‘kin kakaayat lang daw nila ng asawa niya. Medyo hindi yata maganda ang mood ni Boss,” naiiling na wika nito kaya napataas ang kilay. “Let’s go, kain muna tayo, it’s my treat. K

