PAGGISING ni Ariyah ay wala na si Chase sa tabi niya. That night was so magnificent, na parang nakapaimbabaw siya sa langit. Bumangon siya para magbihis nang makita niya ang maliit na notes ni Chase na nasa bedside table. Dinampot naman niya iyon at binasa. I have some important errands to run. If you need something, you can call for room service. Lahat ng kailangan mo ipo-provide nila sa ‘yo. I will call you right after you’re done reading this note ~ Chase. Anang sulat na iyon at natawa siya ng bahagya. Hindi pa man niya nailalapag ang note sa table ay tumunog naman ang cellphone niya. Nagsalubong ang kilay niya at wala sa loob na naiikot niya ang paningin sa paligid. Paano nga nalaman ni Chase na gising na siya? Nakailang ring muna iyon bago niya sagutin. “Hello?” “Kumusta naman ang

