KINAPA ni Chase ang bulsa ng suot nitong pantalon. “Oh, s**t!” mura niya nang hindi niya makapa roon ang kahon nang binili niyang necklace para kay Ariyah. Isa iyon sa dahilan kung bakit siya nahuli ng dating sa contract signing. Wala kasi siyang nabili na wedding gift para dito kaya sinadya pa niya sa Isla ang Mama ni Zev para lang tumingin ng necklace para sa dalaga. Napalingon siya sa gawi nang restroom at hindi pa naman bumabalik ang dalaga kaya naman mabilis siyang tumayo at tumakbo para kunin saglit ang necklace na binili niya para rito. That was the best moment for him kaya ayaw niyang sayangin. Hindi naman siya magtatagal kaya sigurado namang hindi aalis si Ariyah sa table nila. Pagpasok niya sa suite niya ay agad niyang nilapitan ang mga gamit niya na nakalapag lang doon sa

