Chapter 18: Aftermath Marsh Lahm's Point Of View I woke up from my deep slumber. Ang sakit ng ulo ko parang may nagmamartilyo. Bumangon ako pero ang mga paa ko ay natatabunan pa din ng kumot. Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit. Parang gusto ko pa ding matulog, so I did. Humiga ulit ako sa kama at niyakap ng mahigpit ang malambot na unan. I smelled the pillow. Weird. Kailan pa naging amoy pabango ng lalaki ang unan ko? At kailan pa lumambot ang kama ko? Kinapa ko ang bedsheets, my eyes were still close. Bakit ganito kalambot to? Bigla kong binuksan ang mata ko. Deja vu. Parang nangyari na sa akin to. Pero ngayon—nagising na naman ako sa hindi kilalang kama at kwarto! Bigla akong nakaramdam ng kaba and I started panicking. Ang tanging naalala ko lang ay sinama ako nila Tori sa isang

