Sa bawat segundo, siya ang itinitibok ng puso ko. Minu-minuto ko siyang naalala, oras-oras niya akong pinapasaya. Lumipas ang araw, linggo hanggang sa umabot na kami ng isang taon ay lalo ko siyang minamahal. My love for him was like waterfalls. Walang tigil at tuloy tuloy lamang ang agos. Siguradong walang katapusan ang pag-apaw. We sometimes fight but we made sure that before we sleep we already settled our issues. Paulit-ulit kong inilagay ang takas na buhok sa likod ng aking tainga. I repeatedly let out a sigh. My heart was beating fast because tonight ay ipapakilala na ako ni King sa kanyang parents. Our last meeting was a disaster. Sana lang talaga ay napatawad na ako ng Daddy niya. "Nervous?" nakangiting tanong niya. He snaked his arms on my waist. "Yes," tipid na sagot ko.

