Nagising akong wala sa wisyo. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay susuka ako sa nerbiyos. Iyong kahapon nga lang na pagtatagpo namin ay halos mawalan ako ng ulirat. What more now na first day of duty ko. Hindi naman ako ganito noong unang araw ko sa DIA noon. I looked at my son with a worried face. Kanina pa kasi siya iyak nang iyak. It's his first time na mahiwalay sa akin ng matagal. I don't even know what will be our set up dahil malayo ang Pampanga sa DIA. I'll try to talk to the HR kung pwedeng sa office na lang ako. Isang buwan lang naman ang ilalagi ko roon matapos lang ang lintik na kontrata. Sepanx is real. Naiiyak akong sumakay ng kotse. Kapag kasi ganoong iyak siya nang iyak ay nagaalala ako. I'll talk to Sinag din na kung pwede na doon na lang muna sa kanya si Ali since malap

