Chapter 18 NAKARATING narin sa wakas sina Yna sa bahay na pinamana sa kanya ng lola at lolo nya na mga magulang ng kanyang Mommy mariposa. Kahit walang susi si Yna ng mga oras na iyon pero alam naman nito na may emergency ding susi na nilagay sa paso na may bulakla na nakalagay mismo sa gilid ng pinto. Nabuksan nya kaagad ang pinto at bumungad sa kanya ang kabuoan ng bahay. Malinis iyon at nakaayos ang loob. "Ate ang ganda ng bahay mo, talaga bang sayo lang ito? pakiramdam ko kasi parang may ibang tao dito dahil malinis sha". saad ni Ella "Oo ella, sa akin ito. Malamang siguro dahil palagi itong nililinis ng lola ko, hindi nito hinahayaang madumihan ang bahay ko". tugon ni Yna "Ang laki at ang ganda ng bahay mo hija, kailan mo balak puntahan ang lola at lolo mo? Tiyak ko na magugulat

