Chapter 38 INAKALA nila Yna na nakauwi na ang lahat ng nakilibing sa kanyang matalik na kaibigang si Angel ng lumapit siya dito. Nailibing na ang kaibigan, wala nang ibang nagawa si Yna kundi ang umiyak. Naiwan naman si Henry sa malayo para bantayan siya. Kitang-kita ni henry ang pag iyak ng tinuring na kapatid. Halatang nasaktan talaga si Yna sa pagkawala nito kasama na roon ang paninisi nito sa kanyang sarili, dahil inisip nito na siya talaga ang datilan ng pagkawala ng kaibigan. Habang tinitignan ni Henry si Yna ay May napansin si Henry na isang lalaki na palinga-linga sa paligid at mukhang si Yna talaga ang sadya nito. Inakala ni Henry na isa itong kalaban kaya kaagad niya itong kinorner bago pa makarating kay Yna. Hinila niya ang lalaki sa madamong bahagi para hindi sila makita ni

