GABI nang makarating sa Manila Cubao si Yna. Wala siyang nahanap na mauupahan wala siyang choice lundi makituloy muna sa dating condo ng kaibigan na si Angel. Mabilis nya itong nakontak at nakipagkita kaagad sa kanya. Masaya ang dalawa dahil sa wakas muli silang nagkasama. Iyakan at kamustahan ang pagkikita nilang dalawa. Nagpasya muna silang kumain bago sila tuluyang pumunta sa condo ng kaibigan. Ilang saglit pa ay umalis narin sila sa kainan at dumerecho na sa condo ni angel. Pagdating nila doon ay hindi narin siya tinantanan ng kaibigan tungkol sa pagkawala nya ng halos dalawang taon.. Hindi naman nag sinungaling si Yna dito ay agad sinabi sa kaibigan ang lahat. Nalungkot at naiyak si angel ng marinig nito ang mga napagdaanan ng kanyang kaibigan, wala siya ng mga oras na iyon para

