Chapter 12 "Her Dangerous Revenge" written by: Nezel Docto PUMASOK na sa isang kwarto si Yna. Ibang kwarto naman ngayong ang pinasukan nya, dahil nasa kabilang kwarto si Eric na sa mga oras na ngayon malamang naghihingalo na ito. Sumunod naman si Jovan kay Yna sa kwartong iyon, nagulat pa si Yna ng bigla nalang siyang yapusin ni Jovan mula sa kanyang likuran. Nandiri siya at gustong-gusto na niya itong p*tayin. Subalit muli siyang nagpigil lalo na at naka shabu ang binata. "ALAM kong sabik na sabik kana sa'kin pero pwede ba humiga kana muna sa kama dahil mas maganda ang gagawin nating dalawa". nakangising sambit ni Yna habang naka yapos parin si Jovan mula sa likuran niya. "BAKIT ba kailangan pa natin gawin iyon? Alam mo bang naiingit ako kay Eric? Dahil mas nauna siya sakin na tikm

