Chapter 10 "Her Dangerous Revenge" by: Nezel Docto SINAMA nga ni Yna si Ella sa bahay nila Mrs Chona at Garry Bait. Pagdating nila sa naturang bahay ay nadatnan na kaagad nila ang padre pamilya na si Garry. Nakaupo ito sa gilid ng kabaong ng kanyang anak na si Hanna "Nakauwi na po ako". ang sabi ni Yna dahilan para lumingon sa kanya si Ginoong Garry. "ANDIYAN kana pala Hina, sino ang kasama mo?" Tanong nito sa kanya "Si Ella po, ulila na kaya napagpasyahan ko po isama dito para may matuluyan siya pansamantala". sagot ni Yna "Ganun ba?? Kumain na muna kayo diyan sa kusina, may pagkain na niluto ang ilan sa mga kapitbahay natin. Sila na ang nagluto dahil alam nila na baka di rin kami makapagluto ng maayos" Tugon ng ni ginoong garry Akmang lalampasan na sana ni Yna at ella ang matanda

