NANG maihatid na ni Yna si Lia sa Ospital ay wala rin naman siyang sinayang na oras. Kaagad rin siyang nagpaalam sa Doctor na siyang nag aasikaso kay Lia. Gusto nitong tapusin ang laban kay mayor dahil iba ang kutob ni Yna ng mga oras na iyon. Inakala nila Yna na ligtas na ang mga batang babae ,hindi nila alam na tauhan rin pala ni Mayor sabares ang presento na malapit sa lugar kong saan sila nagtatago. Halos lahat ng opisyal ng pulisya ay kakampi at tauhan ni Mayor sabares. Mabuti na lamang at nakilala nito si Brandon isang baguhang pulis na kakadistino lang sa lugar na iyon, noong una ay walang tiwala sa kanya si Yna dahil baka isa rin ito sa mga bayaran ng bayan At isa oa iniidolo nito ang hepe nila sa presinto. Dahil sa nakitang motorsiklo ni Lia sa pulis station ay nakumpirma n

